by Rowena Agilada
FINALLY, mapapanood na ang reality show ng pamilya Gutierrez, “It Takes Gutz to Be a Gutierrez” starting this Sunday (June 1) at 9 p.m. sa E! Entertainment Television (Skycable Channel 57, Cignal 25, Cablelink Channel 33) at iba pang cable providers sa Pilipinas at sa buong Asia. Six-week episodes ito na kinunan sa iba’t ibang Asian countries, kasama na rito ang Asian cruise.
Ayon kay Richard Gutierrez na nakausap namin sa pocket presscon ng ITGTBAG, sasagutin na niya ang maraming katanungan tungkol sa kanila ng girlfriend niyang si Sarah Lahbati. Ikukuwento niyang lahat ng nangyari sa kanila mula nang nasangkot ito sa kontrobersiya kaugnay ng isyu between her and GMA Network.
“Tell-all ito, no-holds-barred at malalaman n’yo na rin ’yung mga gusto n’yong malaman tungkol sa amin. Marami kaming pinagdaanan ni Sarah and this is the perfect time to talk about our lives na wala nang pipigil,” words to that effect na pahayag ni Richard.
Aniya pa, ise-share rin nila ’yung mga kaganapan sa bakasyon nila sa Europe. What really happened there.
hard
Si Sarah na ba talaga ang “the one for him”? “Oo naman!” agad na sagot ni Richard. “Our relationship is very strong. Marami kaming pinagdaanan sa one-and-a- half years namin together. We want the best for each other. Marami kaming ups and downs na parang roller coaster journey.
“I had to be strong for her at hindi nagbago ang feelings ko for her during those times na may matindi siyang pagsubok. Now, she’s okey. Balik na siya sa kanyang showbiz career. May depth na ang acting niya dahil may pinaghuhugutan na siya. ’Yung mga pinagdaanan namin noon,” pahayag ni Richard.
First time
Kagagaling lang ng Gutierrez family sa Singapore para sa promotion ng “It Takes Gutz to Be a Gutierrez” at ayon kay Richard, VIP treatment sila roon. First-class hotel accommodations ang binigay sa kanila at first time nilang humarap sa international press. Hindi raw niya akalaing kilalang-kilala na sila sa Singapore.
Minsang nag-taxi sila ng twin brother niyang si Raymond ay maraming Singaporean fans ang nakakilala sa kanila. Madalas kasing ipalabas ang trailer ng ITGTBAG sa mga TV show roon.
“Ang ganda ng suporta sa reality show namin ng mga tao roon. The whole family is excited dahil first time namin nagkasama-sama sa isang show. First time namin nag-Asian cruise at ang dami naming happy moments. Bawat isa sa amin, may kanya-kanyang kuwento,” lahad ni Richard.
Aniya pa, wala silang script at ipapakita sa ITGTBAG ang mga totoong nangyayari sa pamilya Gutierrez. Mula paggising nila sa umaga hanggang pagtulog nila sa gabi.
Wala lang bed scene at shower scene, ani Richard. Ipapakita kung ano talaga sila bilang tao at kung ano’ng klaseng pamilya ang mga Gutierrez.
Freelancer
Wala pang TV project si Richard and for now, freelancer siya matapos mag-expire last year ang kontrata niya sa GMA Network. Focused muna siya sa kanilang reality show. May natapos siyang pelikula sa GMA Films, “Overtime” at showing na ito sa July. Hanggang September this year ang movie contract ni Richard sa GMA Films.
Given a chance, gusto niyang gumawa muli ng pelikula sa Star Cinema with direk Olive Lamasan and direk Cathy Molina. Isa pa lang ang nagawa ni Richard sa Star Cinema with KC Concepcion, titled “For the First Time.”
Bagong hilig ngayon ng aktor ay motorcycling gamit ang kanyang Ducati motorcycle. May grupo sila na kung saan-saan sila nagpupunta. Ayon kay Richard, mula Bacolod ay nakarating sila sa Mindanao. Ini-Roro nila ang kanilang motorcycles.