by Rowena Agilada
PAREHONG magiging busy na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang respective shows sa GMA7. Magsisimula na ang “Ang Dalawang Mrs. Real” ni Dingdong on Monday (June 2) with Maricel Soriano and Lovi Poe. June 22 naman ang pilot telecast ng self-titled dance show ni Marian with Paolo Ballesteros as her co-host. Every Sunday (either 5:30 or 6:30 p.m.) ito na si Louie Ignacio ang direktor.
“Dream project ko ito,” ani Marian sa pocket presscon ng kanyang dance show. “Matagal ko nang gustong magkaroon ng ganitong show. Mahilig talaga akong sumayaw. Noong high school ako, sumasali ako sa mga dance competition. Ang pamilya namin, mahilig sumayaw.”
Guests sa pilot episode ng “Marian” sina Gov. Vilma Santos-Recto at Maricel Soriano. Weekly ay dalawa ang major production numbers ni Marian. Creations ng mga top designer ang outfits niya every week at si Liz Uy ang kanyang stylist. Ani Marian, magagaling ang kanyang choreographers at iba’t ibang klase ng sayaw ang ipapamalas nila.
Aniya pa, bonggang-bongga ang pilot telecast ng “Marian” at buwis-buhay siya sa kanyang production number.
By August or September ay magsisimula naman si Marian sa bago niyang teleserye sa GMA7. May time pa kaya sila ni Dingdong para sa isa’t isa?
“Oo naman. Para-paraan lang ’yan (laughs),” saad ni Marian.
Magge-guest kaya si Dingdong sa “Marian”? “Sana naman,” pakli ni Marian.
“Mag-dirty dancing kayo,” suhestiyon ng isang reporter. “Why not? Maganda ’yun. Sasabihin ko kay direk Louie,” nakangiting sabi ng Kapuso Primetime Queen.
May revelation
Si Raymond Gutierrez ang may ideya na magkaroon ng reality show ang kanilang pamilya, kaya nabuo ang “It Takes Gutz to Be a Gutierrez.” Siya ang nag-conceptualize nito at aniya, talagang trinabaho niya.
“Suntok sa buwan,” ani Raymond. “I went to Singapore to meet up with E! Television Entertainment na isang global network. Ang initial plan ay two-hour special lang. Pero nagustuhan nila ’yung concept, kaya ginawang six-episode series. Ang dali ng negotiations. After four months, nagpirmahan na kami ng kontrata. Ipapalabas na ang reality show namin on Sunday (June 1).
“Ipapakita ako as a son, as a brother. People don’t know the real me dahil napapanood lang nila ako sa TV. Sa reality show namin, makikilala nila kung sino si Raymond Gutierrez. Each of us sa Gutierrez family ay may revelation,” lahad ni Raymond.
Nag-aaway rin ba sila ng kakambal niyang si Richard? “Asaran lang. Pikunan. Pag may sinabi ako, naiirita siya. Pero hindi namin pinatatagal, nagkakasundo agad kami. Wala pang major fi ght (laughs),” ani Raymond.
Impressed sa kanyang hosting skills ang E! Television Entertainment, kaya kinuha siyang host sa isang red carpet event ng Global YouTube stars. “Inaral ko talaga. Nag-google ako tungkol sa mga celebrity na dumating. I was a little bit tense, but confi dent because I know my materials. Walang idiot board at ako na ang bahala sa mga sasabihin kapag dumarating ang mga star celebrities,” kuwento ni Raymond.
May offer sa kanya ang Fly Entertainment na magtrabaho sa Singapore at pinag-iisipan pa niya kung tatanggapin ang offer. May one-year exclusive contract pa siya sa TV5 at may resto-bar (Gramercy) business pa siyang inaasikaso.
Farewell episode
Farewell episode tonight ng “Rhodora X” at kaabang-abang ang mga kaganapan. Gumaling pa kaya si Rhodora? Magkabati na kaya sila ni Angela? Magkaroon na kaya ng katahimikan ang pamilya nila? Tutok lang mamaya pagkatapos ng “Kambal Sirena” sa GMA Telebabad.
Noong last taping day ng “Rhodora,” nagpa-barbecue party sina Mr. & Mrs. Smith, may-ari ng mansion sa Dasmariñas, Cavite na pinagteypingan ng “Rhodora.” Masaya ang buong cast dahil hanggang sa pagtatapos ng serye ay maganda ang feedback at rating nito.