by Rowena Agilada
SA presscon ng “Once a Princess,” kapuwa itinanggi nina Enchong Dee at Erich Gonzales na nagkaroon sila ng “something” noon. Anila, walang ligawang nangyari at never naging “sila.”
Friends at working partners lang daw sila. “Kung nagkaroon kami ng relasyon noon ni Erich, hindi ako papayag na magkatrabaho kami muli,” ani Enchong. May nonshowbiz girlfriend siya ngayon at si Erich ay may non-showbiz boyfriend na much older sa kanya.
Ani Erich, ayaw niya talagang magka-BF ng taga-showbiz. Happy siya sa BF niya who treats her like a princess, ayon pa kay Erich. Businessman ang love of her life.
Anyway, hango ang “Once a Princess” sa Precious Hearts Romance’s national bestseller na may parehong titulo, written by fictionist Angel Bautista. Tumanggap ng mga parangal ang OAP bilang PH Novel of the Year (2012) at Filipino Reader’s Choice Award for Novel in
Filipino (2013).
Joint venture ito ng Skylight Films at Regal Entertainment at comeback movie directorial job ni Laurice Guillen after six years. Kasama rin sa cast si JC de Vera.
Pinilit lang mag-artista
Stage mom ang mommy niya, ayon kay Rafa Siguion-Reyna. Ang scriptwriter na si Bibeth Orteza ang mommy ni Rafa at ang direktor na si Carlos Siguion-Reyna ang daddy niya.
Pero ani Rafa, hindi nakakainis o nakakairitang stage mom ang mommy niya. Makulit lang ito at pinilit lang siya nitong mag-artista. “I’m proud of her at happy ako na siya ang mom ko. Proud din ako sa daddy ko,” ani Rafa sa pocket interview ng GMA Artist Center.
Kasama si Rafa sa “Hari ng Tondo,” entry sa Cinemalaya Independent Film Festival (“Cinemalaya X”) na ang daddy niya ang direktor at ang mommy niya ang scriptwriter.
Ani Rafa, hindi naman siya naintimidate 0 na-conscious working with his dad. Pag nasa set sila, hindi siya tinatratong anak nito, kundi bilang isang artista. Never siyang napagalitan ng kanyang dad during the shoot. “I did my best sa performance ko (laughs),” ani Rafa.
Kasama sa cast ng “Hari ng Tondo” sina Robert Arevalo na gumaganap bilang 1010 ni Rafa, Ciara Sotto, Cris Villongco, Eric Quizon, Aiza Seguerra, Guian Magdangal, Ali Sotto at Audie Gemora.
Pinatay ang sariling ama
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” si Alden Richards sa isang natatanging pagganap bilang isang anak na may epilepsy. Pinamagatang “Isinakdal Ko ang Aking Anak: The Julita Relano Story,” si Lani Mercado ang gaga nap bilang ina ni Alden (as Allan).
Dahil sa kanyang sa kit, pinagmamalupitan si Allan ng kanyang ama (AI Tantay) hanggang napatay niya ito. Para itago ang ginawang krimen, sinunog niya ang bang kay nito.
Alamin kung ano ang naging desisyon ng kanyang ina. Alin ang pipiliin nito, ang hustisya para sa kanyang pamilya o ang pagiging ina? Tampok din sina Arthur Solinap, Bettina Carlos at Lian Paz. Sa direksiyon ni Gil Tejada.