by Rowena Agilada
LILIPAT ba si Aljur Abrenica sa ABS-CBN? ’Yan ang tanong ng madlang pipol dahil sa pahayag niyang hindi na siya masaya sa GMA-7. Hindi na raw sila magkasundo ng management sa pagpapatakbo ng kanyang career. Gusto niyang magpa-release ng kanyang kontrata kahit hanggang 2017 pa ang bisa nito.
Sarah Lahbati male counterpart ba si Aljur? Humantong din sa korte ang reklamo noon ni Sarah laban sa GMA Network kahit may existing contract pa siya. What if, hindi i-release ng GMA ang kontrata ni Aljur at kailangang tapusin niya ito hanggang 2017?
Hindi kaya maging frozen delight si Aljur at nganga ang career niya hanggang matapos ang kontrata niya? Kung pwede namang daanin sa mahusay na usapan at hindi na mamagitan ang korte, why not? Ang tanong, kaninong kawalan ba sakaling pakawalan ng GMA si Aljur? Isip-isip lang pag may time.
Isa pang tanong, totoo bang interesado ang ABS-CBN kay Aljur? If ever, may lugar pa ba si Aljur sa Kapamilya Network sa rami ng leading men material doon? Kung sabagay, nang lumipat sa ABS-CBN si Paulo Avelino na dating Kapuso actor ay sunud-sunod ang kanyang project. At magaganda, in fairness! Mangyari kaya ’yun kay Aljur sakaling alukin siyang maging Kapamilya? Abang-abang na lang, madlang pipol.
Please find below GMA Network Statement as of July 25, 2014.
“GMA Network does not release its talents form their existing contracts without a valid cause or basis particularly if the reasons cited by its talents are not true. We will respond to the issue when we receive a copy of Aljur Abrenica’s complaint.”
First time
Si JC de Vera na dati ring Kapuso star ay umalis din sa GMA at lumipat sa TV5. Nasa ABS-CBN na rin ngayon si JC at Kapamilya na. Nabigyan ng mga project at may pelikula pa. Kasama si JC sa “Once a Princess” at first time niyang katrabaho sina Erich Gonzales at Enchong Dee with Laurice Guillen at the helm. First time rin ni JC katrabaho ang lady director at aniya, “Very awesome at sobrang blessed ako na nakatrabaho ko si direk Laurice. Nailabas niya ’yung ibang qualities ko as an actor na hindi ko nakita before. Marami siyang binago sa acting ko.”
Ayon pa kay JC, sobrang nahirapan siya sa karakter niya sa OAP, pero hindi siya ninerbiyos o natakot kay direk Laurice. “Parati niya akong gina-guide sa mga eksena ko at sobrang thankful ako sa kanya,” ani JC.
He plays Damian na may multi-faceted character at asawa ni Erich. Ani JC, ibang-ibang ’yun sa karakter niya sa tunay na buhay.
Paano ba niya tratuhing prinsesa ang isang babaeng mahal niya? “Dapat pinagsisilbihan, minamahal at hindi sinasaktan ang babae,” he said.
Any reaction, Danita Paner? Siya ang huling nakarelasyon ni JC who claims na loveless pa rin ngayon after they broke up.
Fat memo
Nabigyan pala si Jeric Gonzales ng fat memo ng GMA7, kaya nag-reduce siya. Nag-diet at nag-exercise siya, ayon kay Jeric. Ang laki ng ibinawas sa timbang niya. Nawala na ang baby fats at maganda na ang porma ng kanyang katawan ngayon.
Kasama si Jeric sa “Hustisya” na entry sa Cinemalaya X. Siya ang gumaganap na apo ni Nora Aunor na nakatrabaho rin niya sa “Dimentia.” Si Sunshine Dizon ang gumaganap na ina ni Jeric sa “Hustisya.” Kasama rin si Jasmine Curtis-Smith na gumaganap naman bilang isang tour guide.
Ayon kay Jeric, learning experience na nakatrabaho niya si Nora Aunor. Marami siyang natutunan mula sa Superstar sa acting at sa tamang attitude sa pakikiharap sa fans.
“Dapat daw maging mabait ako sa fans, bigyan ko sila ng importansiya, parating maging humble at maging natural lang ako,” lahad ni Jeric.
Male grand winner si Jeric sa “Protégé: The Battle for the Big Artista Break” at talent ng GMA Artist Center. Huli siyang napanood sa “Paraiso Ko’y Ikaw” with Kristoffer Martin and Kim Rodriguez. Wala pa siyang next project sa GMA7 at naghihintay pa siya, ayon kay Jeric.