MALAKING tulong daw kay Mikael Daez na naging bahagi siya ng “Bubble Gang” sa gay role na ginagampanan niya sa “Ismol Family.” May gusto si Mikael kay Ryan Agoncillo rito.
Ani Mikael nang nakausap namin sa taping ng “Ismol Family,” marami siyang natutunan sa mga kasama niya sa “Bubble Gang” na bading-badingan ang roles. Kaya hindi siya nagdalawang-isip tanggapin ang gay role sa “Ismol Family.” Aniya, bilang actor ay gusto niyang subukang gumanap ng iba’t ibang klaseng karakter.
“I want to grow as an actor. I want challenges. I’m happy na maganda ang feedback sa gay role ko sa ‘Ismol Family.’ Hindi ’yun isyu sa family ko at natutuwa sila kapag pinapanood nila ako,” saad ni Mikael.
Aniya, hindi siya nag-aalala o natatakot na baka mapaghinalaang eventually ay bibigay na siya at mag-a-out na bilang isang bading. “More than anybody else, I know myself. I’m very confident of my sexuality,” wika ni Mikael.
Dagdag pa ng Kapuso actor, hindi siya choosy sa role na ino-offer sa kanya. Ipinababahala niya sa kanyang manager ang desisyon kung sa palagay nito’y ikagaganda ng career niya.
May paandar
Late this year, may “paandar” ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. ’Yun ang term ni Ryan nang nakausap namin sa taping ng “Ismol Family.” Aniya, for the past couple of months ay busy ang misis niya working on “something” and meeting a lot of people.
Tungkol ito sa isang project na pagsasamahan nilang mag-asawa. Nakausap na nila sina direk Joyce Bernal at Joey Reyes at kinunsulta nila ang mga ito sa mga idea. “Dapat kasi, right opportunity. Hindi pwedeng bara-bara dahil sayang ang ipupuhunan naming pera. Dapat ay pinag-iisipang mabuti bago kami sumabak sa isang project,” wika ni Ryan.
Ayon kay Ryan, as an artist, choosy na ngayon si Juday sa project na gagawin nito. May tinanggihan nga itong offer na dapat sana’y pagsasamahan nilang dalawa. “Naintindihan ko naman si misis and I respect her decision. Wala kaming pilitan. Pag ayaw niya ng project at gusto ko or vice versa, respetuhan kami. May individual careers kami at may kanya-kanya kaming manager,” lahad ni Ryan.
Samantala, masaya si Ryan sa magandang feedback at ratings ng “Ismol Family.” “Steady lang,” aniya. “Dahan-dahang umaakyat ang rating and it’s a very good sign. Magaling si direk Dominic Zapata magpatakbo ng show. It’s fun working with him.”
GMAAC talents sa Cinemalaya X
Maraming GMA Artist Center talents ang may kanya-kanyang entry sa Cinelamaya Independent Film Festival (Cinemalaya X). Magkakasama sina Rocco Nacino, Chynna Ortaleza at Jeric Gonzales sa “Hustisya” with Nora Aunor. Magkasama naman sina Chynna at Elmo Magalona sa “#Y (Hashtag Y).”
Sina Barbie Forteza at Kenneth Paul Cruz stars in “Mariquina.” Julian Trono has “Ronda” with Ai-Ai delas Alas and Cesar Montano, while Martin de Rosario has “Dagitab” (Sparks).
Kasama naman sa “Hari ng Tondo” si Rafa Siguion-Reyna with Robert Arevalo, Aiza Seguerra, Ciara Sotto, Eric Quizon.
Magkakasama naman sa “Asintado” sina Rita de Guzman, Jak Roberto at Miggs Cuaderno with Jake Vargas, Aiko Melendez, and Gabby Eigenmann. Kasama rin si Miggs sa “Children’s Show.” Kasama naman ni LJ Reyes si Dennis Trillo sa “The Janitor” at si Enzo Pineda ay tampok sa “Sundalong Kanin.”
Sina Coleen Borgonia at Ken Chan ay magkasama naman sa “1stt Ko si 3rd.”