HOW true kaya ang tsikang diumano’y ang grand winner sa “The Voice Kids” na si Lyca Gairanod ay itatapat ng ABS-CBN kay Ryzza Mae Dizon? Hindi naman natitinag o nate-threaten ang kampo ni Aling Maliit sa tsikang ito. Welcome sa kanilang may itatapat kay Ryzza Mae.
Parehong nine years old sina Ryzza at Lyca na magkatunog pa ang pangalan. Pareho ring maliit sa mga edad nila ang dalawang bagets at pareho ring galing sa isang mahirap na pamilya.
Ano kaya kung isama si Lyca sa “It’s Showtime” bilang pantapat kay Ryzza na pambato ng “Eat Bulaga”? Lamang lang ni Lyca kay Ryzza ay mahusay siyang kumanta. Biritera si Lyca. Magaling namang host si Ryzza na youngest celebrity na may sariling talk show (“The Ryzza Mae Show”).
And take note, kasama si Aling Maliit sa listahan ng “Yes!” magazine’s 100 Most Beautiful Stars for 2014.
Inokray
Aliw kami sa obserbasyon ng isang talent manager (TM) sa isang aktres na napapanood nito sa isang serye. Bakit daw parating long shot ang aktres kapag nagda-dialogue ito? At bakit daw maiikli lang ang mga binibitiwang linya ng aktres? Hirap daw bang mag-memorize ito ng mahahabang linya?
“Pansin ko pa, kapag si… (magaling na aktor) ang ka-eksena ni… (aktres) ay close-up shot at mahaba ang dialogue. At saka, sakang pala si… (aktres). Nu’ng lumakad siya, halatang-halatang magkabikaka ang mga binti niya,” sambit ng TM.
Above the knee kasi ang suot na damit ng aktres, kaya halatang-halata ang pagkasakang nito. Pansin naman ng TM sa isa pang aktor na kasama sa serye, bakit daw parati na lang galit ito sa mga eksena? Pang-ookray pa ng TM, wala naman daw kabuhay-buhay umarte ’yung isa pang aktres na kasama rin sa serye.
Pinangaralan
Pinangaralan ni German Moreno si Aljur Abrenica na hindi ito dapat nagpadalos-dalos sa kanyang desisyon. Sinabihan niya ang aktor na dapat ay pinag-isipan niyang mabuti ang mga hakbang na ginawa niya.
Feeling ni Kuya Germs ay may mga taong nagsusulsol kay Aljur para magpa-release ng kontrata nito sa GMA7. Dapat daw ay makipag-ayos si Aljur sa GMA management at pag-usapang mabuti ang mga bagay-bagay. Pinakinggan naman kaya ni Aljur ang payo o pangaral ng Master Showman?
O handa siyang tanggapin ang consequences ng ginawa niya? Handa na ba siyang maging “frozen delight” kapag hindi naresolba ang isyu sa kanila ng GMA? Remember, dito sa showbiz, out of sight, out of mind. Maraming aspiring actors ang pwedeng mabigyan ng break at may tsansang sumikat. Almost there na sana si Aljur na itinuturing na isa sa mga prinsipe ng GMA. Sinugalan siya ng network at binigyan ng lead roles sa iba’t ibang projects.
Bagong segment
May bagong segment ang “Let’s Ask Pilipinas,” hosted by Ogie Alcasid on TV5. Ito’y ang “Let’s Ask Barangay” kung saan sumusugod sina Jojo Alejar at Empoy sa iba’t ibang barangay para maghatid ng saya at papremyo.
Pumipili sila ng tatlong players para sagutin ang ilang katanungan. Ang magwawagi’y pagkakalooban ng P10,000 cash prize courtesy of Talk ‘n Text. “Let’s Ask Pilipinas” airs from Monday to Friday after “Face the People.”