HINDI pala kinikilala ang binyag ni Marian Rivera sa Spain, kaya magpapabinyag siyang muli sa isang Catholic church dito sa Pilipinas. Requirement kasi ’yun sa kasal nila ni Dingdong Dantes on Dec. 30 this year.
Balak magpabinyag ni Marian on Sept. 8 sa isang simbahan sa Cavite kung saan tagaroon siya. Nagkataong Feast of the Blessed Virgin Mary ’yun.
Busy-busihan na sila ni Dingdong sa paghahanda para sa kanilang kasal. May wedding coordinator na sila na mamamahala sa mga detalye. Naglilista na rin sila ng mga kukuning principal at secondary sponsors.
As soon as nakapili na ang Kapuso Primetime Queen ng designer ng kanyang wedding gown, ipapaalam niya sa madlang pipol, pati ang kumpletong listahan ng wedding entourage.
Buwag na
Mukhang buwag na talaga ang love team nina Jeric Gonzales at Thea Tolentino. Maski in real life, walang naging “something” ang “Protégé” grand winners dahil si Mikoy Morales na batchmate nila ang balitang ka-“somethingan” ni Thea. Nabuking ito noong debut party ni Thea kung saan si Mikoy ang kanyang special guest.
Sa bagong project ni Jeric sa GMA7, ang “Strawberry Lane,” sina Bea Binene, Kim Rodriguez, Joyce Ching at Joanna Marie Tan ang mga kasama niya, together with Jake Vargas and Kiko Estrada.
Tungkol ito sa apat na kabataang babae na puno ng pag-asa at mga pangarap. Ipapakita rin ang kahalagahan ng pamilya at mga kaibigan sa pagtupad ng kanilang mga pangarap. Mula sa direksiyon ni Don Michael Perez, tampok din sa “Strawberry Lane” sina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Christian Bautista, TJ Trinidad at Chanda Romero. Next month ang airing nito.
Naghahanap
Naghahanap ng bagong miyembro ang grupong Masculados na si direk Maryo J. delos Reyes ang manager. Twelve years na ang grupo at may mga aalis nang miyembro na ’yung iba’y mag-aasikaso ng negosyo at ’yung iba’y mangingibang-bansa. Sa kasalukuyan, pito ang miyembro ng Masculados.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng all-male group ang “Lagot Ka,” “Sana Mama, “Macho Papa” at “Jumbo Hotdog.”
May bagong miyembro ang “Masculados,” si David Karell na isang half-Australian, half-Filipino na ipinakilala sa press launch para sa “Search for the New Masculados” na ginanap sa Fisher Mall, Quezon Avenue corner Roosevelt Avenue, QC.
Sa Fishermall Activity Center gaganapin ang auditions na magsisimula sa Sept. 6, 13, 20 at 27 (grand search), 6 to 9 p.m .
Open ang auditions sa male Filipinos, 18 to 24 years old, at least 5ft. & 10 inches tall, maskulado ang katawan at siyempre, may talent sa pagsayaw at pagkanta. Ang choice nilang song ng Masculados ang kailangan nilang kantahin.
Magdala ng birth certificate, resume (biodata), 1 whole body picture & 1 close-up picture, residence certificate, NBI clearance, school or any government issued ID.
Ang grand winner ay mananalo ng P25,000 cash prize, exclusive contract sa Productions 56, Inc. at scholarship grant mula sa STI College. Ang limang runners-up ay P5,000 each plus gift packs at ang special awards mula sa sponsors ay P2,000 each plus gift packs.