FEELING much better na ngayon si Sharon Cuneta matapos ang emotional posts niya sa kanyang Facebook account.
Pinasalamatan niya ang encouraging messages ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Hindi naman natin siya masisi kung na-depress siya dahil sa kanyang katabaan. Sa mga selebriting tulad niya, ang expectations talaga sa kanila, kailangan ay parating pleasing to the eyes ang kanilang itsura. Kailangan, sexy, maganda, maayos manamit at kung anu-ano pang kaaya-aya sa paningin.
Lahat naman o karamihan ng tao’y dumadaan sa mid-life crisis. At one point sa buhay natin, nakakaranas tayo ng depression. Depende kung paano mapaglalabanan’yun.
Mahalaga talaga ang suporta ng pamilya at ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa ’yo.
Si Sharon, ’andiyan ang kanyang pamilya at mga well-meaning friends, isa na si Judy Ann Santos. She’s always there for her ate Sharon. ’Yan ang talagang BFF (best friends forever) through thick and thin. Walang halong kaplastikan.
Magpapa-convert nga ba?
Bibilib kami talaga kay Daniel Padilla kapag nagpa-convert siya sa Iglesia ni Cristo (INC). He must be truly in love with Kathryn Bernardo kapag ginawa niya ’yun. Hindi naman daw tututol ang mommy Karla Estrada ni Daniel if ever maisipan niyang magpa-convert sa INC.
Iglesia kasi si Kathryn at Katoliko naman si Daniel. Sa pagkaalam namin, ang gusto ng mga Iglesia ay kapanalig din nila ang magiging karelasyon nila.
Tulad ni Gladys Reyes na INC member. Noong naging mag-boyfriend-girlfriend sila ni Christopher Roxas ay nagpa-convert ito sa Iglesia. Humantong sa kasalan ang kanilang relasyon.
Nagka-boyfriend noon si Janice de Belen ng isang Iglesia. Pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil hindi yata nagpa-convert si Janice sa Iglesia. Hindi lang kami sure, ha?
Noong “buhay” pa si Rustom Padilla at karelasyon niya si Carmina Villaroel, sumasama ang aktres kay Rustom kapag sumasamba ito sa Jehovah’s Witness.
Si Robin Padilla ay Islam naman ang religion. Si Mariel Rodriguez ay nananatiling Katoliko. Hindi isyu sa mag-asawa ang religion. Nagpakasal sila sa isang Islamic rites.
Gusto rin sanang pakasalan ni Robin si Mariel sa Catholic rites. Pero hindi ganoong kadali ’yun dahil may mga requirement ang Simbahang Katolika.
Hindi ba nga’t sumulat pa yata si Robin sa mga pari sa Vatican para lang payagan sila ni Mariel sa kanilang church wedding? Mangyayari lang ’yun siguro kung magpapa-convert sa Katoliko si Robin.
Ibabalik
Ano kaya ang reaction ng ibang produkto ng “Starstruck” sa pagbabalik nito? May plugging na ang GMA7 sa gagawing artista search na magsisimula ang auditions next month.
May pahayag noon ang isang “Starstruck” alumnus na hindi siya pabor na magkaroon ng panibagong batch ng “Starstruck.” Ang dami-dami na raw nila at ’yung iba’y hindi naman nabibigyan ng project.
Natetengga lang daw ang ibang mga kasamahan niya. ’Yung iba raw, nag-quit na lang sa showbiz. ’Yung iba, nag-abroad. Hindi nagkatotoo ang kanilang slogan na “Dream, Believe, Survive.”
Kapag nakita namin ang “Starstruck” alumnus na ito, hihingan muli namin siya ng pahayag sa panibagong search ng “Starstruck 6.”
Kabilang sa mga “Starstruck” alumni sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Sheena Halili, Rocco Nacino, Kris Bernal, LJ Reyes, Mike Tan, Sarah Lahbati na mga aktibo pa rin ngayon. Si Aljur Abrenica ay tampu-tampuhan sa GMA, kaya gustong magpa-release sa kanyang kontrata. Lumipat naman sa ABS-CBN sina Cristine Reyes at Paulo Avelino.