SA 2016 pa mag-e-expire ang kontrata ni Kristoffer Martin sa GMA7. Pero may tsikang diumano’y may offer na ang ABS-CBN sa kanya. Pinag-iisipan nga raw ng kampo ng aktor kung lilipat ito sa Kapamilya Network.
’Heard, dismayado diumano ang kampo ng aktor sa tinatakbo ng kanyang career sa GMA7. Matagal nang natapos ang primetime series na “Ang Paraiso Ko’y Ikaw,” pero wala pang follow-up project si Kristoffer.
Ayon pa sa tsika, kaya raw hindi siya binibigyan ng project ay dahil ayaw niyang mag-workshop. Nabababawan ang kampo ng actor dahil alam naman daw ng network na nag-aaral si Kristoffer. May free days ito sa school, pero ayaw raw kunin ’yun ng GMA para sa workshop ni Kristoffer.
Ayon pa sa source, noong umalis si Kathryn Bernardo sa GMA at lumipat sa ABS-CBN ay nagpaiwan si Kristoffer sa GMA dahil doon ang loyalty niya. Tapos daw ngayon ay tipong nababale-wala ang ipinapakitang loyalty ni Kristoffer, himutok ng kanyang kampo.
Sayang kung pakakawalan ng GMA si Kristoffer. Very promising talent siya at kung mapu-push lang nang husto ang kanyang career, most likely, magiging next important male star siya ng network.
First love
First love ni Kean Cipriano ang singing at priority niya ito. Nakilala siya bilang vocalist ng Calla Lily band. Sinubukan niya rin ang acting at gumawa siya ng ilang pelikula. Huli siyang napanood sa “Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?” with Kim Chiu and Xian Lim.
Bagong movie ni Kean ay “Tumbang Preso” at aniya, dahil sa ganda ng script nito, tinanggap niya ang project. Tungkol ito sa human trafficking at ani Kean, after doing this film, na-realize niya ang hirap na pinagdaraanan ng mga biktima ng human trafficking.
Before and during the shoot, may mga tao silang nakausap na biktima ng human trafficking. “Totoo palang nangyayari ’yun. Halos madurog ang puso ko sa mga kuwento nila,” saad ni Kean.
Inspired ng mga totoong pangyayari ang “Tumbang Preso,” ayon kay Kean. Ang ibig daw sabihin ng title ng pelikula ay ’yung kawawang workers sa isang sardines factory na biktima ng human trafficking ay gustong itumba ang mga taong nang-aabuso’t nang-aapi sa kanilang kalagayan.
Isang guwardiya sa sardines factory ang role ni Kean na deadma lang sa mga pang-aabuso’t pang-aapi ng may-ari. Kahit nakikita niya ang kamalian nito, wala siyang magawa dahil powerless siya.
Sa fans and supporters naman ng Calla Lily, iniimbita ni Kean ang mga ito na manood ng kanilang concert, “Happy Together” sa Music Museum on Sept. 19.
Balik-tambalan
“More Than Words” ang title ng drama series na muling pagtatambalan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa GMA7. Follow-up project nila ito sa remake ng “Villa Quintana” na una nilang pinagtambalan.
Kasama sa cast ng MTW sina Enzo Pineda, Jaclyn Jose, Mikoy Morales, Mayton Eugenio, atbp. Balik-tambalan din ito nina Rey “PJ” Abellana at Leni Santos, sikat na love team noong Dekada ’80.