SA pilot episode pa lang ng “Hiram na Alaala” on Sept. 22 ay may pasabog na, ayon kay direk Dominic Zapata. Ayaw niyang sabihin kung ano ’yun at abangan na lang, aniya.
Noong nabalitaan niyang may project na gagawin ang GMA7 tungkol sa buhay ng mga sundalo, inasam at ipinagdasal niyang sana’y ibigay ’yun sa kanya. Answered prayer naman dahil kay direk Dominic ibinigay ang “Hiram na Alaala” na tinatampukan nina Dennis Trillo, Rocco Nacino, Kris Bernal
at Lauren Young.
Ayaw sabihin ni direk Dom kung ito ang biggest project niya ever in terms of budget. Basta aniya, full support ang GMA at ginagawa niya lahat para hindi mabigo ang expectations ng network sa project na ipinagkatiwala sa kanya.
Isa sa mga nakunan nilang eksena ang skydiving ni Dennis na may taas na 5,000 ft. Buong tapang na pumayag ang Kapuso actor na hindi ito gumamit ng double.
“I love working with Dennis not only because he’s a good actor but he’s very professional sa kanyang trabaho. We’re comfortable working with each other dahil nagkatrabaho na kami sa ilang teleserye,” ani direk Dom.
Di aalis
One year pa ang contract ni Rocco Nacino sa GMA7 at aniya, wala siyang planong umalis sa Kapuso Network. “Masaya ako sa pagtatrabaho at nagpapasalamat ako sa magagandang projects na ibinibigay sa akin,” saad ni Rocco.
Nanghinayang at nalungkot siya sa desisyon ni Aljur Abrenica na magpa-release ng kontrata nito sa GMA. Ani Rocco, hindi pa sila nagkakausap ni Aljur hinggil du’n dahil alam niyang sensitive pa ito sa isyu. Sana raw ay pinag-isipang mabuti ’yun ni Aljur. But then, nirerespeto niya ang naging desisyon ni Aljur.
Ano naman ang reaction niya na may search na naman para sa “Starstruck VI”? Ani Rocco, naalala niya ’yung mga pinagdaanan niya noong nakita niya ang mga naga-audition. Matiyaga siyang pumila noong nag-audition siya sa “Starstruck V” na 576,000 ang number niya.
Sa grand finals, sinuwerteng napasama si Rocco sa Starstruck Final 4 at pumangatlo siya. The rest is history at isa ngayon si Rocco sa pinakaabalang Kapuso stars na sunud-sunod ang projects.
May meaty role siya sa primetime series na “Hiram na Alaala” at male lead star naman siya sa pelikulang “Ibong Adarna: The Pinoy Adventure.”
Webserye
Na-curious ang entertainment writers na dumalo sa presscon ng webseryeng “I Never Knew Love” ni Kenzo Ortiz na isa sa mga kabataang tampok sa naturang webserye. Anak pala siya ng dating bold star na si Olivia Ortiz noong late ‘70’s (or early ’80’s ba?).
Naging Internet sensation si Kenzo at finalist sa “Pilipinas Got Talent” Season 3 (2011). Freelance artist siya ngayon at talent ng SMAC Production (Social Media Artist and Celebrities) Television Production Programs.
Ayon kay Kenzo, hindi niya kilala kung sino ang kanyang biological father at never pa niya itong nakita. May half-siblings siya sa kanyang mommy at kilala ng mga ito ang kanilang biological father.
In any case, ang “I Never Knew Love” webserye ay isang charity program ng SMAC called Gawad Kabataan na ang layunin ay tulungan ang mga mahihirap na kabataang magaaral para imulat ang mga ito sa kahalagahan ng edukasyon. Apat na episodes ang webserye na nagsimulang ipalabas sa YouTube sa Celebrity Channel TV noong Sept. 6.
May online singing competition din ang SMAC, “Sing for your Dreams” at open ito sa lahat ng genders and ages. Ipadala ang entries sa [email protected]