SI Alden Richards na nga ba ang GMA Kapuso Prince? Sinasabi ring siya ang susunod sa mga yapak ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Bukod sa acting, sinanay rin ng GMA si Dingdong sa pagiging host. Ganito ang ginagawa ngayon ng Kapuso Network kay Alden. Susubukan ang hosting talent niya sa “Bet ng Bayan (BNB).”
Ani Alden, hindi pa siya pwedeng i-level kay Dingdong. Paumpisa pa lang siya at marami pa siyang dapat matutunan sa hosting. “Proven and tested na ang galing ni Kuya Dong sa hosting. Malaki ang paghanga at respeto ko sa kanya,” saad ni Alden.
Co-host siya ni Regine Velasquez-Alcasid sa BNB na magsisimula mamayang gabi (9:40 to 10:40 p.m). Lunes hanggang Biyernes ay mapapanood ang updates nito.
Okay makatrabaho ang ex-BF
Ipapalabas sa isang international film festival ang “The Janitor” at gustong maranasan ni LJ Reyes dumalo nito. Magpiprisinta raw siyang sasama kay direk Mike Tuviera.
Kasama si LJ sa cast ng “The Janitor” at aniya, honored siyang bahagi siya ng naturang indie movie. Nakagawa na siya ng ilang indie movies at ani LJ, talagang nag-enjoy siya. Hindi isyu sa kanya kung maliit ang talent fee, dahil bilang isang aktres, kakaibang fufillment ang nararamdaman niya kapag gumagawa siya ng indie movie.
Released ng Star Cinema ang “The Janitor” at inaabangan kung magpo-promote si LJ sa mga programa ng ABS-CBN? Ang kapuwa Kapuso star niyang si Dennis Trillo na katrabaho niya sa “The Janitor” ay pinayagang mag-promote sa ilang programa ng Kapamilya Network.
Kapamilya ang ex-boyfriend niyang si Paulo Avelino at ani LJ, okey lang na makatrabaho niya ito sa isang project kung may offer. Naka-move on na siya sa kanilang break-up. Good father raw si Paulo sa 4-year-old lovechild nilang si Aki.
Napadaan lang
“Napadaan lang,” ani Benjamin Alves when asked bakit siya nakasama sa cast ng “The Trial” na prodyus ng Star Cinema. Aniya, wala siyang film contract sa GMA, kaya nakapag-crossover siya sa ABS-CBN. Nag-open audition ang Star Cinema at nagpaalam si Benjamin sa GMA kung pwede siyang mag-audition.
“They allowed me, so I took the chance,” saad ni Benjamin. Wala nga lang ang pangalan niya sa ipinamigay na press release tungkol sa “The Trial.” Nakalimutan kaya o sinadya? Mabuti at pinapunta si Benjamin sa presscon, kaya nalaman ng press na kasali siya sa pelikula.
Anyway, feeling blessed and thankful si Benjamin sa Star Cinema na binigyan siya ng pagkakataong makapag-audition at binigyan siya ng role sa “The Trial.” “It’s a great experience for me to work with the cast,” ani Benjamin.
Tampok sa “The Trial” sina John Lloyd Cruz, Jessy Mendiola, Richard Gomez, Gretchen Barretto at Enrique Gil. Directed by Chito Rono. Showing ito on Oct. 15 sa mainstream theaters nationwide.