VETERAN actor ang tawag ni Andrei Paras kay Derrick Monasterio na ikina-react ng huli. Ani Derrick, bata pa siya at wala pang napapatunayan, kaya hindi raw niya matatanggap na veteran actor siya.
Magkasama ang dalawa sa “The Half-Sisters” at ang paliwanag ni Andrei, mas nauna sa kanyang mag-showbiz si Derrick at mas marami nang karanasan sa pag-arte.
First acting job ni Andrei ang “The Half-Sisters” kung saan kasama nila ni Derrick sina Barbie Forteza at Thea Tolentino. He’s having fun at nag-e-enjoy raw siyang katrabaho ang mga ito.
Naging close friends sila ni Derrick at ani Andrei, sobrang makulit ito. Makulit din daw si Barbie. Si Thea, tahimik lang.
Ayon ka Andrei, noong una’y na-shock siya sa sistema sa showbiz. Hindi kasi siya sanay sa puyatan. Nami-miss din niya ang paglalakwatsa with his non-showbiz friends.
Sino naman ang showbiz crush niya? “Solenn Heussaff forever!” ani Andrei. Wala siyang girlfriend ngayon at wala pa siyang balak manligaw. “Career muna and studies,” he said.
First year college si Andrei sa San Beda College taking up Marketing. Wala naman daw nambu-bully sa kanya na baduy siya dahil nag-showbiz na siya.
Unang nabili ni Andrei out of his earnings ay basketball shoes (Nike). Dati raw, sale ang ibinibili sa kanya ng daddy (Benjie Paras) niya. Pinag-iipunan ngayon ni Andrei ang pambili ng sariling sasakyan. Pinapahiram lang kasi siya ng daddy niya ng kotse nito.
Hindi choosy
Na-master na ni Thea Tolentino ang pagiging kontrabida. Kering-carry niya ang role bilang Ashley sa “The Half-Sisters” sa pananakit at pang-aapi niya kay Diana (Barbie Forteza).
Afraid nga siya sa fans ni Barbie na baka awayin siya kapag nakita siya ng mga ito. “Abangan pa nila ang matitinding eksena namin,” saad ni Thea.
Aniya, hindi siya choosy sa role na ibinibigay sa kanya ng GMA7. Okey lang kung ma-typecast siya sa kontrabida role. “Basta may trabaho, tatanggi pa ba ako?” sambit ng “Protégé” winner.
Ang male “Protégé” winner na si Jeric Gonzales ang dating ka-love team ni Thea. Hanggang screen love team lang sila dahil offcam, si Mikoy Morales na “Protégé” contestant din ang ka-“somethingan” ni Thea.
Nagbago na
Sa isang umpukan ng mga reporter, napagkumpara ang dalawang young actors (YA) na magkasama sa isang giant network. Si YA1 ay produkto ng isang artista search, samantalang si YA2 ay nalaglag at hindi pinalad makasama sa naturang artista search.
Noong katatapos pa lang ng artista search na sinalihan ni YA1, ang galing ng PR niya sa entertainment press. Kapag may presscon, super tsika si YA1 at nagte-table hopping para ibeso ang press. May dala pa siyang pasalubong sa bawat isa.
Sikat-sikatan na rin naman ngayon si YA1 at magaganda ang projects na ginagawa. Pero pansin ng press, nabawasan ang pagiging ma-PR nito. Hindi na gaanong matsika. Waley na pasalubong sa press.
Sa isang presscon nga, naimbiyerna ang isang reporter dahil habang iniinterbyu si YA1, panay ang text nito. Tama ba ’yun?
Si YA2 na mas sikat pa ngayon kay YA1, ang galing pa rin ng PR. Super humble pa rin at talagang nag-e-effort batiin ang press. Siya ang lumalapit at binebeso sikat man o hindi ang press. Feel ang sincerity ni YA2 na walang halong kaplastikan.