NAKUHA pala sa dasal ni Tonyboy Cojuangco si Gretchen Barretto. Twenty-one years na silang living-in together at 19 years old na ang only daughter nilang si Dominique. Nag-aaral ito ng Fashion Designing sa London.
Pag-amin ni Gretchen sa “The Buzz,” napabait siya ng kanyang partner dahil sa pagiging madasalin nito. Talaga raw ipinagdasal ni Tonyboy na magbago siya. Di naman lingid sa publiko na noong 20 or 30 something pa lang si Gretchen ay ilang beses siyang nasangkot sa kontrobersiya. Now in her mid-40s, “behaved” na si Gretchen.
Effective rin kay Richard Gomez ang pagiging madasalin ng wife niyang si Lucy Torres. Everyday itong nagro-rosary at ipinagdarasal si Richard. Sixteen years na silang married at 14 years old na ang only daughter nilang si Juliana.
Mukhang overprotective father si Goma at ayaw pa niyang paligawan o magka-boyfriend ang anak niya. “Kakalbuhin kita,” sabi raw niya kay Juliana. Pinapayagan naman niyang lumabas ang bagets kasama ang mga kaibigan nito. Barkada ni Juliana ang anak ni Gretchen at si Claudia na anak naman ni Marjorie Barretto.
Dream come true
Sandali lang namin nakausap si Jomari Yllana noong nag-set visit kami sa “The Half-Sisters” sa Marikina Hotel. Nagmamadali kasi ang actor dahil may shoot pa siya sa ibang location. Sabi lang niya, paalis siya papuntang Korea para sa isang car race competition.
Umalis siya last Friday (Oct. 10) papuntang South Korea para sa Super Race competition. Siya ang unang Filipino na naimbita para lumahok sa naturang competition. Ayon kay Jom, one year siyang nag-training bilang paghahanda at dream come true na siya ang naging representative ng Pilipinas.
Suportado ng GMA7 ang pagsali ni Jom sa mga car race competition at aniya, sobrang thankful siya sa Kapuso Network. Ipagdasal nating wala sanang disgrasyang mangyari kay Jom at sana’y mag-uwi siya ng karangalan.
Christmas vacation
Mag-a-advance taping si Yasmien Kurdi ng mga eksena niya sa “Yagit” dahil pupunta siya sa Bahrain sa December para dalawin ang kanyang daddy. Magki-Christmas vacation doon si Yasmien kasama ang husband niyang si Rey Soldevilla at anak nilang si Ayesha. First time makikita ng bagets ang kanyang lolo.
Nag-umpisa nang mapanood ang “Yagit” noong Lunes (Oct. 13) sa Afternoon Prime ng GMA. ’Yung role ni Charo Santos sa original version nito ang role ni Yasmien. Sa remake nito, may ilang binago sa istorya at karakters para iakma sa makabagong panahon.
Okey na rin ang boses ngayon ni Yasmien matapos ang kanyang throat surgery. Isinagawa ’yun pagkatapos ng stint niya sa “Rhodora X.” One month siyang pinapagpahinga ng doctor bago siya nagsimulang mag-taping ng “Yagit.”