HOW true, hinahabol daw ng GMA Network si Jolina Magdangal? Mag-e-expire na ang kontrata niya, pero mukhang malabo nang mag-renew si Jolina. Balitang magte-taping na sila ni Marvin Agustin ng “Flordeliza” sa ABS-CBN. Ito ang ipapalit sa “Be Careful with My Heart” na matatapos na next month.
Reunion project ito nina Jolina at Marvin sa pagbalik nila sa kanilang original home studio. Former love team sila noong mga bagets pa sila. Now, may kanya-kanya na silang buhay. Happily married si Jolina kay Marc Escueta (ng Rivermaya band) at may isa na silang anak, si Pele, 8 months old.
Nine years old naman ang kambal na anak ni Marvin, sina Santiago at Sebastian. Hindi kasal si Marvin kay Tetet Dy na ina ng kambal. Hindi rin sila live-in partners.
Lampas na
Noong nasa college pa si Carla Abellana, plinano niyang mag-aasawa siya kapag 27 years old na siya. Twenty-eight na siya ngayon.
Aniya, hindi naman siya naiinggit sa marriage proposals ng mga showbiz couple. Ang ex-boyfriend niyang basketbolista na si JC Intal ay ikakasal na kay Bianca Gonzalez on Dec. 10 this year.
Sa Feb. 15 next year naman ikakasal si Heart Evangelista na friend ni Carla at isa siya sa mga abay nito. Kung hindi sana nag-break sina Carla at Geoff Eigenmann, baka nakisabay rin sila sa mga showbiz couple na magpapakasal. Almost four years din ang naging relasyon nila at natsika noong nagbabalak na silang magpakasal.
Wish lang ni Carla na mahalin at alagaan siya ng magiging husband niya. Kung sino man ’yun, abang-abang na lang. Ikaw kaya ’yun, Tom Rodriguez?
And more
Nanalo ng Maeda Award ang “Reel Time” sa katatapos na 2014 Japan Prize. “Nibulaysir” ang pamagat ng episode na pinanalunan ng naturang documentary program na napapanood tuwing Linggo sa GMA News TV Channel 11 at 8 p.m.
Bukod sa trophy, pinagkalooban din ng check worth $2,000 USD ang “Reel Time.” Tungkol ito sa isang mag-inang naging magkaklase sa Grade 1. Twenty-five years old ang ina, seven naman ang anak.
Sa mga hindi nakapanood ng regular screening sa mga sinehan ng 1st Cine Totoo Philippine International Documentary Festival, mapapanood ang apat na winning documentary films sa GMA News TV Channel 11 tuwing Linggo at 9:30 p.m. Nagsimula ito kagabi na ipinalabas ang “Gusto Nang Umuwi ni Joy.”
Sa Nov. 2 ang “Mananayaw,” Nov. 9 ang “Walang Rape sa Bontok” at Nov. 16 ang “Kung Giunsa sa Pagbuhay, ang Binisayang Chopsuey (How to Make Visayan Chopsuey).”