NAGPAYATAN ang walong pares ng natitirang racers sa “The Amazing Race Philippines (TARP) 2.” Anila, grabe at matitinding challenges ang ipinapagawa sa kanila. Minsan daw ay hindi maiwasang magkapikunan sila sanhi ng matinding pressure sa kompetisyon ng karera.
Ang Team Mag-amang AJ at Jody Saliba ay nasa ika-anim na puwesto sa karera. Ani Jody, mahilig siyang manood ng “The Amazing Race USA,” kaya kinumbinse niya ang kanyang daddy na mag-join sila sa TARP2.
Incoming 5th year student si Jody sa UP sa kursong Bachelor of Sport Science. Nag-leave siya for one month noong nag-join siya sa TARP2. Businessman naman ang kanyang daddy AJ.
Fight lang!
Parehong nag-join ang magkaibigang Kelvin Engles at JP Duray sa “Mr. Pogi” ng “Eat Bulaga” noong 2012. Nasa Top 9 si Kelvin, Top 3 naman si JP. Team Pogi sila sa TARP2 at anila, pareho silang mahilig sa adventure, kaya nag-join sila.
Kahit mahirap ang mga challenge na ipinapagawa sa kanila at grabe ang pressure, fight pa rin sila. Nasa huling puwesto sila sa karera, pero hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa.
Kadalasan, biscuit at tubig lang ang kinakain nila kapag sumasabak sila sa mga challenge.
Parehong tipong artistahin sina Kelvin at JP at anila, kung mabibigyan sila ng pagkakataon, Go! Lumabas na sila sa isang episode ng “Wattpad Presents” na pinagbidahan ni Eula Caballero.
Undecided pa
Undecided pa si Inigo Pascual kung babalik siya sa United States o dito na siya mag-i-stay sa Pilipinas. Showing pa lang on Nov. 12 sa mga sinehan nationwide ang first movie niya, “Relaks, It’s Just Pag-ibig” under Spring Films. Pero may nakalatag nang next movie niya para sa isang film outfit.
Ang maging singer-performer ang talagang gusto ni Inigo. May passion din siya sa songwriting at may ilang compositions siya para sa isa niyang malaking proyekto sa USA. Nakapasa rin si Inigo sa tatlong rounds ng auditions sa USA para sa isang boy band.
“I am not saying po that I will be singing with the band already, hopefully everything works out. But for now po, nae-enjoy ko munang lahat ng opportunities at ginagawa ko habang nandito ako sa Pilipinas,” sambit ng 17-year-old son ni Piolo Pascual.
Ani Inigo, pressured siya sa kanyang debut movie dahil alam niyang ikukumpara ang acting niya sa kanyang papa Piolo. He just did his best para patunayan sa kanyang sarili at sa ibang tao na may kakayahan din siya.
Payo ng kanyang papa P, just be himself and be confident sa mga ginagawa niya.