BITIN ang trip sa Japan ni Ruru Madrid, kaya gusto niyang bumalik doon. Hindi kasi siya nakapasyal sa Tokyo Disneyland dahil five days lang siya roon.
Aniya, ang daming events na dinaluhan niya, presscons at screenings ng first indie film niya, “Above the Clouds” na entry ng Pilipinas sa ginanap na Tokyo International Film Festival.
First time ni Ruru lumabas ng bansa at kasama niya ang kanyang daddy. Dumalo siya sa Tokyo International Film Festival.
Tungkol sa typhoon Ondoy ang tema ng “Above the Clouds.” Mga entry mula sa Cambodia, Malaysia, Indonesia at iba pang Asian countries ang lumahok sa naturang film festival.
Sa December this year ay pupunta naman si Ruru sa Singapore para dumalo sa Singapore International Film Festival. Nominated siya for Best Actor para sa “Above the Clouds.”
Next year, nakatakda naman siyang magpunta sa Europe. Ihahabol daw ang “Above the Clouds” para sa Berlin International Film Festival at sa Venice International Film Festival.
Nagtulug-tulugan
Nagtataka ang mga reporter na dumalaw sa set ng isang pelikulang ginagawa ni Zoren Legaspi. Hindi raw nagpa-interbyu ang aktor at nagtulug-tulugan. Tsika ng source namin, kahit ano’ng pilit na paggising kay Zoren ng isang production staff, hindi siya nagising. Mahirap talagang gisingin ang taong gising naman.
Dati namang magiliw sa entertainment press si Zoren. Kaya takang-taka ang mga dumalaw na reporter kung bakit ayaw niyang magpa-interbyu. Wala namang matinding isyu na kinasasangkutan ni Zoren para iwasan niya.
Sa pagkatanda ng mga reporter na dumalaw sa set ng pelikulang ginagawa ni Zoren, pinakahuling kontrobersiya sa kanya ay ’yung tungkol sa naging problema niya sa BIR. Pero sa isang interbyu kay Zoren, sinabi niyang naayos na ’yun. So, ano kaya ang iniwasan ng aktor na baka itanong sa kanya ng press? O, sadya lang na wala siya sa mood magpainterbyu?
Nagbabangayan at nagtatrayduran na
Patindi nang patindi ang mga challenge na ginagawa ng mga natitirang pares ng racers sa “The Amazing Race Philippines 2 (TARP).” Nagbabangayan at nagtatrayduran na ang mga racer sa tindi ng pressure na kinakaharap nila sa bawat challenge.
Fight lang nang fight ang Team Nerds na sina Vincent Yu at Ed Manguan. Mas lalo silang naging agresibo at palaban. High school friends sina Vincent at Ed; ang huli ang nagyaya kay Vincent na mag-join sila sa TARP2.
Kapuwa sila nag-aaral sa UP Diliman. Communication Research ang pinag-aaralan ni Ed, Business Administration naman si Vincent.
Hanggang December this year pa ang airing ng TARP2 at mas lalo pang dapat abangan ang mga pasabog na hatid ng programa. Mas kapanapanabik ang mga susunod na episode dahil mas lalong nagiging agresibo at palaban ang bawat team. TARP2 airs nightly at 9 p.m. sa TV5.