ANG GMA Artist Center talents na sina Mikael Daez at Kylie Padilla ang kauna-unahang Filipino representatives ng Save the Children Organization.
Kahanay na nila ang ilan sa mga international ambassadors gaya ng Hollywood stars na sina Jennifer Garner at Julianne Moore, gayun din ang football player na si Cristiano Ronaldo at ang kilalang stylist-editor-fashion designer na si Rachel Zoe sa pagpo-promote ng advocacy sa pagbibigay ng tulong at pag-improve sa kalidad ng pamumuhay ng bawat kabataan.
Ani Mikael, isang malaking karangalan na maging bahagi siya ng nasabing organisasyon.
”I’ve always wanted to help children,” sambit ng Kapuso actor. “All children should be able to dream about what they want to be when they grow up. I’m excited about the opportunity to work along side this amazing charity and I’m privileged to be able to use my work for this excellent cause.”
Bibisitahin
Nagpahayag din si Kylie na isang malaking pribilehiyo ang maging kinatawan ng Save the Children at mabigyan ng pagkakataong makatulong sa mga kabataan, lalo na ’yung mga survivor ng typhoon Yolanda.
“Gagawin ko, sa abot ng aking makakaya, na makatulong sa muli nilang pagbangon sa naranasan nilang trahedya,” sambit ng Kapuso actress.
Bibisitahin nila ni Mikael ang mga komunidad na naapektuhan ng bagyong Yolanda sa Tacloban para personal na makita at makasalamuha nila ang ilan sa mga survivor.
Halos 800,000 katao na ang natulungan ng Save the Children sa ilang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga emergency life-saving aid at long-term livelihood support.
Si Ned Olney ang country director ng Save the Children Organization. Aniya, “We hope that our relationship with Mikael and Kylie will give us the opportunity to reach many more children and save even more lives.”
Direktor na rin
Nasanay tayong panoorin ang stand-up comedian na si Philip Lazaro bilang comic relief sa mga drama series at romance movies. Isang magandang sorpresa na may bago siyang raket.
Siya ang direktor ng “Tropa Mo Ko, Nice Di Ba?” gag show na napapanood every Saturday sa TV5 at 8 p.m.
Sobrang thankful si Philip sa Kapatid Network sa pagkakataong ibinigay sa kanya. “It’s a very refreshing experience,” aniya.
“Malaki ang tiwala ko sa cast, lalo pa’t andiyan sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Tuesday Vargas, at Joey Paras. Very supportive sila. They’re all funny and talented.”
Unti-unti may naipapasok siyang bagong ideya para sa show tulad ng monologues, bagong gags at siyempre, impersonations.
“Iba kasi ang timing sa comedy. Dapat tamang tiyempo ’yung sasabihin mo, kung hindi kasi, walang sense. Hindi siya nakakatawa,” lahad ni Philip.
Metikuloso raw siya at nanggigigil siya kapag may gusto siyang hindi magawa nang tama.
Sitcom
May gagawing sitcom ang TV5 na pagsasamahan ng magkakapatid na Robin, Rommel, at BB Gandanghari. “Two and a Half Brothers” ang pamagat.
Bakit gan’on ang title? Obvious namang ’yung kalahati ay si BB ang tinutukoy. Binabae na kasi siya ngayon, samantang sina Robin at Rommel ay mga barako (as in lalaking-lalaki talaga).
Next year ang airing nito. Nag-post si BB sa kanyang Instagram account na seksi-seksihan ang kanyang outfit. Exposed ang kanyang cleavage-cleavagean at legs. Feeling girl na girl ang hitad.
Abangan daw ang production number niya sa “Talentadong Pinoy” na ’yun ang costume niya. Ayaw talaga paawat si BB sa paggaganda-gandahan.