SINORPRESA si Robin Padilla ng mga kaibigan niyang sina Dennis Padilla, direk Joyce Bernal at Claudine Barretto sa taping ng “Talentadong Pinoy” para sa kanyang birthday presentation. Nakatrabaho ni Robin si Claudine sa pelikulang “Oops Teka Lang, Diskarte Ko ’To” in 2000.
Wala naman daw namagitang tension between Claudine and Dennis, ayon sa tsika ng source namin. Ex-brother-in-law ni Claudine si Dennis na ex-husband ni Marjorie Barretto. Friend naman ni Dennis si Raymart Santiago na estranged husband ni Claudine.
Isang buwis-buhay na production number ang sorpresang handog ni BB Gandanghari kay Robin. Seksi-seksihan at ganda-gandahan si BB sa kanyang outfit.
No show si Kylie Padilla dahil exclusive contract star siya ng GMA7. Gayun din si Daniel Padilla na pamangkin ni Robin dahil taga-ABS-CBN ang tinaguriang Teen King.
Turning 45 years old si Robin on Nov. 23 at sa Nov. 22 ang airing ng kanyang birthday presentation sa “Talentadong Pinoy” sa TV5 at 8 p.m.
Lilipat din?
How true kaya ang tsikang diumano’y susundan ni Nikki Gil ang friend niyang si Iya Villania sa GMA7? Bumalik na ang huli sa Kapuso Network. Gusto nga bang lumipat ni Nikki sa GMA7?
Tsika ng source namin, matatapos na ang kontrata ni Nikki sa ABS-CBN at tila hindi na ito magre-renew.
Isa pa raw diumanong dahilan kung bakit gusto ni Nikki na umalis sa Kapamilya Network ay dahil ’andoon ang ex-boyfriend niyang si Billy Crawford and his current girlfriend na si Coleen Garcia.
Imbiyerna diumano si Nikki sa parating sinasabi ni Billy sa mga interbyu na sa lahat daw ng naging girlfriend niya’y si Coleen ang pinaka-mature kahit several years younger ito sa kanya.
Sa iba pang interbyu kay Billy, sinabi niyang sobrang proud siya kay Coleen at ito na ang babaeng gusto niyang makasama for the rest of his life. Super nga ang kanilang PDA (public display of affection) na hindi nagawa nina Billy at Nikki noong “sila” pa. Conservative kasi si Nikki.
New member
Si Fernando Zomera ang pinakabagong miyembro ng Masculados na mina-manage ni direk Maryo J. delos Reyes.
Taga-Paombong Bulacan si Fernando (Bernardo Joseph), 20 years old, first year HRM student sa La Consolacion, Malolos, Bulacan at into computer literacy.
Ayon kay direk Maryo J (president at general manager ng Production 56, Inc.), nag-stand out si Fernando at unanimous choice siya sa mga nag-join sa Search for New Masculados na ginanap last September sa Fisher Mall.
Napilitang tumigil sa pag-aaral si Fernando dala ng kahirapan. Sobrang tuwa at thankful siya sa kanyang panalo sa naturang search. Aniya,y makakatulong na siya sa kanyang pamilya at maipagpapatuloy na niya ang kanyang pag-aaral.
Twelve years na ang grupong Masculados na kinabibilangan nina David Karel (bago ring miyembro), Robin Robel, Enrico Mofar, Ozu Ong, Orlando Sol, Nico Cordova at Lexter Lazaro. Magkakaroon ng concert ang sing-and-dance all-male group in February next year in line sa kanilang 13th year anniversary. Billed “Dumadagundong na 13” ang pinaghahandaan nilang big concert.