BILANG bahagi ng 75th anniversary celebration ng Quezon City, gaganapin ang QC International Pink Film Festival (QCIPFF) mula Dec. 9 hanggang 16, 2014 sa Trinoma Mall.
Forty-five films tungkol sa lesbians, gays, bisexuals at transgenders ang ipapalabas mula sa fifteen countries, kasama ang Pilipinas. Kabilang dito ang “Lihis” ni direk Joel Lamangan, “Unfriend” ni Jay Altarejos, “Ang Huling Cha Cha ni Anita” ni Andrea Sigrid Bernardo, “Gaydar” ni Alvin Yapan, among others.
Ilan sa mga foreign film na kalahok sa QCIPFF ay ang “La Vie d:a.dele (Blue is the Warmest Color), grand prize winner sa Cannes Film Festival, “Freier Fall,” German gay film, and “Before You Know It,” an American documentary. Among the participating countries are Sweden, Australia, Japan, Indonesia, Malaysia, Cambodia, and Vietnam.
Ang QCIPFF ay proyekto ng The Philippine Initiative on LGBT Pride Advocacy, Inc., headed by Nick Deocampo na siya ring festival director, sa pakikipagtulungan ng QC government through the QC Pride Council, chaired by Soxie Topacio.
Suportado nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang gaganaping QCIPFF. Highlight ng week-long celebration ay ang LGBT Pride March na gaganapin on Dec. 13.
Magsisimula ito sa QC Memorial Circle na iikot sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Quezon.
Inaasahan ang pagdalo at pakikiisa ng mga LGBT organization, local barangay units at school-based LGBT organizations nationwide.
May float competition, night party, rainbow booths, fashion show at QC LGBT Rainbow awards. Pararangalan din ang ilang personalidad ng QC na supporters ng LGBT movement.
Gay forum
Bahagi pa rin ng week-long celebration ng QC International Pink Film Festival ang International Gender Rights Forum na gaganapin from Dec. 10 to 12 sa Trinoma Mall, Cinema 3. Registration starts at 9:30 a.m.
Tatalakayin sa three-day forum ang tema tungkol sa buhay ng LGBT in general: Human Rights, Health at Education. Mga kilalang local at international speakers, activists at LGBT leaders ang inimbitahang magbabahagi ng kanilang kaalaman sa mga nabanggit na paksa.
Ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte, may naipasa nang ordinansa ang QC Council, Gender Fair Ordinance, authored by Councilor Mayen Juico and co-authored by Councilor Doray Delarmente. Layunin nito ang bigyan ang mga LGBT constituents ng pantay na karapatan sa serbisyo, kalusugan, edukasyon at social events gaya ng lahat ng mamamayan ng QC. Kumbaga, walang gender discrimination.
Lagda na lang ni Mayor Herbert Bautista ang hinihintay para maisatuparan ang naturang ordinansa, ayon kay VM Joy.
Promising
Sa mga Kapuso love teams, mukhang malaki ang promise nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Maipush lang nang husto ang kanilang tambalan, chances are, pwedeng ipanglaban o ipangtapat sila sa ibang young love teams.
Dumarami na ang supporters ng Miguel-Bianca tandem. Wish nilang tuluy-tuloy ang suporta ng GMA.
By the way, ang dalawang GMA Artist Center talents ang cover ng “Chalk” magazine para sa November issue nito.
Opposite
Sobrang bad ang karakter ni LJ Reyes sa “Yagit,” kaya ayaw niyang ipapanood ito sa anak niyang si Aki. Binilinan niya ang mga kasambahay nilang huwag papayagan ang bagets manood ng naturang afternoon drama ng GMA7.
Ayaw ni U na magalit sa kanya si Aki at sitahin siya dahil sa pagmamalupit at pagmamaltrato niya sa mga batang yagit. Nagiguilty nga raw siya kapag sinasaktan niya ang mga ito.
Si Yasmien Kurdi nama’y kinaiinisan at kinaaawaan sa sobrang bait ng kanyang karakter sa “Yagit.” Exact opposite sila ni U.