NO show si Daniel Matsunaga sa presscon ng “Past Tense.” Sinadya kayang hindi siya papuntahin o hindi lang talaga siya pumunta? Whatever! Si Daniel ang ka-love triangle nina Kim Chiu at Xian Lim sa naturang movie.
Pero ayon sa lady director na si Mae Cruz-Alviar, definitely, Kim-Xian movie ito. Hindi raw madi-disappoint ang fans ng dalawa.
“Si Daniel ang kinuha namin na pantapat kay Xian. Equally good-looking sila. Dahil mataba ang karakter ni Xian, extra-challenge sa kanyang magpapayat para mapantayan si Daniel,” words to that effect na paliwanag ni direk Mae.
First movie ito ni Daniel matapos siyang tanghaling grand winner sa PBB All In. Kailan naman kaya siya magkakaroon ng TV project sa ABS-CBN?
Bahagi pa rin ng 20th anniversary ng Star Cinema ang “Past Tense,” isang romantic-comedy na ipapalabas simula sa Nob. 26 sa mga sinehan nationwide.
Enjoy!
Nasa vacation mode pa rin sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Talagang ini-enjoy nila to the fullest ang kanilang US vacation. Kung saan-saang lugar sila namamasyal.
Ipino-post ni Angelica sa kanyang Instagram account ang mga lugar na pinupuntahan nila ni John Lloyd.
Hinihintay naming mag-post si Angelica ng pagkikita ni John Lloyd and her American dad. Isa kasi sa mga agenda nila sa kanilang US vacation na ipakilala formally ni Angelica ang kanyang boyfriend to her dad.
Siguro naman, pagbalik nila mula sa kanilang US vacation ay may desisyon na si John Lloyd kaugnay ng natapos niyang kontrata sa ABS-CBN. Mananatili kaya siyang Kapamilya o mag-o-ober da bakod na siya?
Mag-Kapamilya na?
How true kayang mag-Kapamilya na ngayon sina Edu Manzano at Ronnie Ricketts? Magbangayan pa rin kaya sila?
Diumano’y inaakusahan ng kampo ni Ricketts na may kinalaman daw si Manzano sa pagka-suspinde kay Ronnie bilang chairman ng Optical Media Board (OMB). Mariin naman itong itinanggi ni Edu.
Since nasuspinde si Ronnie, never siyang nagsalita tungkol sa isyu. No talk, no intrigue nga naman.
Just curious, ano kayang show ang ibibigay ng ABS-CBN kay Ronnie? Matagal na siyang hindi napapanood umarte dahil isinakripisyo niya ang kanyang acting career noong italaga siya bilang chairman ng OMB. Ano kaya’t pagsamahin sila ni Edu sa isang show?
Ngayong balik-Kapamilya na si Edu, maganda sigurong ituloy na ’yung naudlot na project na pagsasamahan nila ng anak niyang si Luis Manzano. Father-and-son tandem? Great!!!
Bagong project
Mabuti naman at may bago nang project si Geoff Eigenmann sa GMA7. Ilang buwan na rin ang lumipas matapos ang huling teleserye niya, “Adarna” with Kylie Padilla.
“Kailan Ba Tama ang Mali ?” ang pamagat ng bagong teleserye ni Geoff sa Kapuso Network kung saan kasama niya sina Empress (wala na ang apelyidong Shuck), Dion Ignacio at Max Collins.
Ngayong may pagkakaabalahan nang taping si Geoff, mahihinto na siguro ang pagpo-post niya sa kanyang Instagram account ng mga bitter-bitterang quotes. Move on na lang!
Balik-GMA naman si Empress. Ang last teleserye niya sa GMA ay “Etheria” in 2005. Pagkatapos ay lumipat siya sa ABS-CBN na huling project naman niya’y “Huwag Ka Lang Mawawala.”
Ngayong Kapuso na siya muli, gusto ring makatrabaho ni Empress sina Marian Rivera, Jullie Anne San Jose at Alden Richards. Kilig-kiligan nga siya sa Kapuso Prince.