NAGBUBUNYI na naman ang sambayanang Pilipino sa panalo ni Manny Pacquiao laban kay Chris Algieri. Ayon sa mga sports analyst, maganda ang naging performance ni Pacman dahil napag-aralan niyang mabuti kung paano niya lalabanan si Algieri.
Hindi napahiya ang Pambansang Kamao sa mahigit 300 katao na isinama niya sa Macau, China kung saan ginanap ang boxing bout nila ni Algieri.
Kinaray din ni Mommy Dionisia Pacquiao ang 40-year-old boyfriend niya. Sa muling panalo ng kanyang anak, ano naman kaya ang ibibigay sa kanya ni Pacman? Abang-abang na lang.
Padrino
Ano kaya’ng reaction ni German Moreno sakaling matuloy ang paglipat ni Willie Revillame sa GMA7? Wala pang kumpirmasyon, pero may mga usap-usapang diumano’y nilalakad ni Joey de Leon na magkaroon ng show si Willie sa Kapuso Network.
Gusto raw ibalik ni Joey ang “Wowowee” ni Willie at gawing pre-programming ng “24 Oras.” May tsika namang diumano’y matagal nang hinihiling ni Kuya Germs sa GMA na ibalik ang “That’s Entertainment” at gusto niya ay daily show sa afternoon slot.
May nasagap pa kaming tsikang wala namang kumpirmasyon na gusto raw ng GMA ay once a week lang ang airing kung ibabalik ang “That’s Entertainment.” Tumanggi raw si Kuya Germs. Matanong nga ang Master Showman kapag nakita namin.
Marami ang nagwi-wish na ibalik ang “That’s Entertainment”. Marami sa mga produkto nito ang sumikat at talagang maipagmamalaki ni Kuya Germs. May mga nagsa-suggest nga na kung ibabalik ang naturang youth-oriented show, mga anak naman daw sana ng mga dating miyembro ng “That’s Entertainment” ang kunin, tulad nina Lorin at Venice, mga anak ni Ruffa Gutierrez , mga anak nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista, mga anak nina Aljon Jimenez at Manilyn Reynes, anak ni Tina Paner, anak ni Sheryl Cruz at iba pang showbiz children kahit hindi dating taga-“That’s Entertainment” ang parents.
Crying Lady
Nagtatanong ang viewers ng “Hiram na Alaala,” bakit daw gabi-gabi na lang pinaiiyak ng writers ng show si Kris Bernal? Hindi ba raw kaya nasasaid ang luha ni Kris sa gabi-gabi niyang pag-iyak?
Bagay raw itawag kay Kris ay Crying Lady. In fairness, ang laki ng improvement sa acting ni Kris. Kering-carry na niya ang madadramang eksena. Palaban na rin siya sa kissing scenes.
Press party
Kung noong nakaraang taon ay “nganga” ang movie press dahil walang Christmas Party ang tatlong major networks dahil sa bagyong Yolanda, this year, mukhang babawi ang mga ito.
Mauuna ang Christmas Party for the Press ng TV5 sa Dec. 4. Sa Dec. 11 naman ang GMA. Kailan kaya ang ABS-CBN? Magpabonggahan kaya ang tatlong networks?