KUNG nakalimang bridal showers na si Marian Rivera, tama na kay Dingdong Dantes ang isang stag party na ibinigay ng mga pinsan at kaibigan niya. Nagpunta sila sa Germany at doon idinaos ang bachelor’s party.
Anang Kapuso Primetime King, gusto niyang ibigay ang moment kay Marian dahil it’s for her talaga, lalo na sa kanilang wedding day on Dec. 30. Gusto niyang ang kanyang fiancee ang maging pinakamasayang bride sa araw na ’yun. Haba talaga ng hair ng Kapuso Primetime Queen.
Pati bridal car, kinarir ni Dingdong. Lumang modelo ’yun (1976 Mercedes Benz Sedan) na ibinigay sa kanya ng isang tita niya. May sentimental value kay Dingdong ang naturang vintage car, kaya ipina-restore niya ’yun para maging bridal car ni Marian. Sobrang lucky bride talaga.
Philippine’s famous actor
Isang magandang experience kay Alden Richards ang ginawa niyang pagrampa sa nakaraang Hanoi International Film Festival sa Hanoi, Vietnam. Nominated sa short film category ang indie film niyang “Kinabukasan” na ginawa niya with Nora Aunor, directed by Adolf Alix, Jr. Magkasamang dumalo sina Alden at direk Adolf sa ginanap na film festival.
“Proud ako na naging kinatawan ng Pilipinas. It’s such a blessing to experience attending this film festival,” sambit ng Kapuso Drama Prince at GMA Artist Center talent.
“I was able to meet the stars and directors from different countries. Paniguradong isa ito sa highlights ng acting career ko. The experience inspires me to do most and be the best that I can.”
Flattered pa si Alden na sa isang Vietnamese entertainment website, www.ngisao.net ay tinawag siyang “Dien vien noi tieng cua” na sa Ingles ay Philippine’s famous actor.
Kumusta namang katrabaho si Nora Aunor? “Masaya, very challenging. Siya ’yung epitome ng perfect acting. Natural na natural. ’Yung words na ginagamit niya, galing sa puso niya.
“Sobrang nag-enjoy akong katrabaho siya. Very supportive at never ipinaramdam na superstar siya. Mas lalong nadagdagan ang self-confidence ko,” lahad ni Alden.
Di nakabalik
How sad na hindi nagkatotoo ang sinabi ni Jorge “E.R.” Ejercito na, “Abangan ang pagbabalik ng Agila” nang pababain siya sa puwesto bilang governor ng Laguna.
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng actor-politician kaugnay ng kasong disqualification ng Comelec dahil sa overspending sa kampanya ni Ejercito noong nakaraang 2013 elections.
However, tuloy pa rin ang pagsali ni E.R. sa 2014 Metro Manila Film Festival. “Muslim Magnum .37” ang entry niya at magiging abala na siya sa promotion nito. Tiyak, hindi maiiwasang maungkat ang disqualification case ni E.R. kapag nagpa-presscon siya para sa kanyang festival entry. Abanga-bang na lang pag may time.
Nahuli
Tutok lang sa mga kaganapan sa “Yagit.” Lalong nahirapan sina Dolores at mga yagit nang naputulan sila ng kuryente. Balik sa pag-inom si Ethel. Nagpaalam si Ding sa mga Hamog, pero binantaan siya ng mga ito. Hindi siya pwedeng kumalas.
Muntik nang mahuli ni Kardo sina Flora at Chito. Nahuli si Ding nang pumasok ang mga Hamog sa isang bahay. Matulungan kaya siya ng mga yagit? Abangan pagkatapos ng “Half-Sisters” sa GMA7.