MABUTI naman at nahimasmasan na si Aljur Abrenica. Na-realize niyang wrong decision na magpa-release siya ng kontrata sa GMA. Babalik ka rin ang drama niya ngayon at sana nga’y magkaayos na sila ng management.
Inamin ni Aljur, may mga tao sa paligid niya ang bad influence at nasulsulan lang siya. Inalis na raw niya ang mga ’yun. Lessons learned, huwag padadala sa sulsol ng ibang tao dahil kapahamakan lang ang maaaring idulot nu’n. Kung magdedesisyon, mag-isip muna nang sandaan o libong beses para walang pagsisihan.
Dream role
Dream role ni Ryzza Mae Dizon ang gumanap bilang sirena at prinsesa, kaya binigyan katuparan ’yun ni Vic Sotto. Sa “My Big Bossing” na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival, mapapanood si Aling Maliit bilang isang sirena at prinsesa sa magkahiwalay na episodes sa trilogy movie na ito. Kasama si Ryzza sa tatlong episodes together with bossing Vic.
Si Tony Reyes ang direktor ng “Sirena” episode at aniya, bago sila nagsimulang mag-shoot, pinag-aral muna nila ng swimming si Ryzza. Nahirapan si Aling Maliit sa training para sa underwater scenes. Napapaiyak daw ang bagets. Pero dahil dream role niya ang maging sirena, kinarir ni Ryzza ang training.
Sa swimming pool ang kanilang test shots. Nahirapan lang si Ryzza kapag sa dagat na ang actual shoot. “Sa comedy scenes, walang problema. Okey si Ryzza. Maganda ang rapport namin,” wika ni direk Tony.
Si Bb. Joyce Bernal naman ang direktor ni Ryzza sa “Prinsesa” episode. Ani direk, nag-enjoy siya katrabaho si Aling Maliit. Magaling at madali itong makakuha ng instructions. Si Marlon Rivera naman ang direktor ni Ryzza sa “Taktak” episode.”
First time
Rushes pa lang ng “My Big Bossing” ang napanood ni Vic Sotto, pero aniya, maipagmamalaki niya ito. “Nakakatuwa, may kurot sa puso ang istorya,” wika ni Vic.
Galing na galing siya kay Ryzza sa pag-arte sa tatlong episodes. Fantasy, drama, comedy, adventure ang MBB. Ayon kay Vic, ginawa nila ito para sa mga bata, magulang, lolo’t lola. “Para sa lahat,” aniya.
First time gumawa si Vic ng trilogy movie at akala raw niya, makakatipid siya sa budget. Katumbas daw pala ito ng tatlong pelikula. Super bongga ang costumes, production designs at special effects, lalo na sa final episode.
Reunited
Reunited sina Regine Velasquez at Ariel Rivera sa two-part Christmas special ng GMA7. Musical-drama ito na pinamagatang “Himig ng Pasko” na ipapalabas on Dec. 13 & 20. Huling nagkasama sina Regine at Ariel ten years ago sa “Forever in my Heart,” isang teleserye ng GMA7.
Tampok din sa Christmas special sina Julie Anne San Jose, Rita de Guzman, Gerald Santos, Jeric Gonzales, Rachel Alejandro at Joey Paras.