FIRST time nagkatrabaho sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado sa pelikulang “English Only Please,” entry ng Quantum Films sa 2014 Metro Manila Film Festival and directed by Dan Villegas. Ani Jen sa presscon, first shooting day pa lang nila’y komportable na sila sa isa’t isa. Marami agad silang napag-usapan.
“Akala ko noong una’y masungit si Derek. Masayahing tao pala siya. Makulit na nakakatuwa ang kakulitan. That time na sinu-shoot namin ang movie, may pinagdaraanan siya (gulo ni Derek and his ex-wife Mary Christine Jolly). Pero hindi halata kapag nasa set siya. Very professional si Derek. Napakabait na tao,” saad ni Jen.
Sabi naman ng hunk actor, nasa stand-by area sila at agad nag-offer si Jen na i-share sa kanya ang folding bed nito. “Pero walang malisya ’yun, ha?” he said. “Wala siyang ere. Walang arte sa katawan. She’s very down-to-earth. ”
Hot!
Dalawa ang kissing scenes nina Derek at Jen sa “English Only Please.” Ayon sa hunk actor, nanibago siya. Hindi raw niya maipaliwanag ang naramdaman niya. Nag-buckle pa nga raw siya at pansin ng mga miron sa set, sobrang namula ang mukha niya.
“Basta, sobrang sweet, sobrang kilig ang eksena,” ani Derek. “Pero take one lang ’yun.”
Ayon naman kay Jen, noong una’y kinabahan siya. Unang eksena nila ’yun at kissing scene pa. “Hindi ko alam ang gagawin ko. Inalalayan naman ako ni Derek. Nag-alalayan kami (laughs),” lahad ni Jen.
Totoo bang pagkatapos ng kanilang kissing scene ay lumalabas-labas na sila? Nahuli raw silang nagdi-date?
Ani Derek, grupo sila kapag lumalabas at hindi masasabing date dahil kapag shooting break lang nila ginagawa ’yun.
May eksena rin si Jen na naka-swim wear na kitang-kita ang kanyang kaseksihan. “She’s hot!” sambit ni Derek. “Patingin-tingin nga ako sa kanya.”
Nasunugan
Pasalamat na lang si Yasmien Kurdi na walang masamang nangyari sa kanilang mag-anak (husband and daughter) noong nasunog ang tinitirahan nilang condominium unit. Sad lang ang aktres dahil nasunog ang mahahalagang dokumentong pinakaiingatan nila, kasama rito ang kanilang passports.
Plano pa naman nilang mag-Pasko sa Dubai para makapiling ang daddy ni Yasmien. First time rin nitong makikita ang apo at ang mister ni Yasmien.
In any case, tuluy-tuloy pa rin si Yasmien sa taping ng “Yagit.”
Lalong umiigting ang mga kaganapan. Tuluyan na kayang mapariwara ang buhay ni Ding sa pagsanib niya sa mga Hamog? Idinamay pa niya ang mga yagit at sinabing kasabwat niya ang mga ito sa pagnanakaw. Tutok lang sa “Yagit” pagkatapos ng “The Half-Sisters” sa GMA Afternoon Prime.