PAREHONG kaibigan ni Vice Ganda sina Kris Aquino at Coco Martin, pero sanib-puwersa sina Kris at Coco sa pagkalaban kay Vice sa 2014 Metro Manila Film Festival. “The Amazing Private Benjamin” ang entry ni Vice, “Feng Shui 2” naman ang kina Kris at Coco. Alin kaya ang mas susuportahan ng moviegoers?
Long-time friends sina Vice at Coco. Pareho pa silang “nobody” noon at kapag nakaka-“racket” si Vice, hati sila ni Coco. Now, pareho na silang “somebody” at milyones na ang kinikita.
Sabi ni Coco sa presscon ng “Feng Shui,” wala na siyang mahihiling pa dahil aniya, sobrang blessed na siya sa kanyang trabaho. Ang hiling lang niya’y proteksiyon ng kanyang pamilya.
Hindi siya naniniwala sa feng shui dahil aniya, “Ang suwerte ay pinagtatrabahuhan. Ginagawa ko ang suwerte ko sa sarili kong pamamaraan.” Oo nga naman!
Meron na siyang 33 major awards, mahalaga pa ba sa kanya ang manalo kapag gumagawa siya ng project (TV or movie)? “Pinaghihirapan ko ang bawat proyektong ginagawa ko. Malaking fulfillment sa akin na manalo ng award. Mas mahalaga ’yun kesa sa ibabayad sa akin (talent fee).”
Ok lang mag-# 2
Ayon naman kay Kris, marami na silang pinagdaanan ni Vice bilang magkaibigan. “He was there at my lowest point,” ani Kris. Noong nasa proseso ang annulment case nila ng ex-husband niyang si James Yap, karamay na niya si Vice.
Kung kine-claim ni Vice na aabot sa P600 million ang kikitain ng “The Praybeyt Benjamin,” okey lang kay Kris kung manguna ito sa takilya dahil ’andun ang anak niyang si Bimby. Ani Kris, okey na kung mag-#2 ang “Feng Shui.”
Ang dasal niya, ma-doble ang perang isinosyo nilang tatlo nina Coco at direk Chito Rono sa “Feng Shui.” Nakibakas ang mga ito sa share niya, ani Kris. “Kahiyaan na ito. Baka mag-abono ako sa kanilang dalawa,” she said.
Ayaw na sana
Ayaw na sana ni direk Chito gumawa ng sequel ng “Feng Shui.” Ten years ago ’yung unang “Feng Shui” at gusto sana ng Star Cinema na sundan agad ’yun. Pinili niyang gawin ang “Sukob” (2006) at “The Healing” ( 2012) na parehong horror movies.
If only for Kris,” pumayag siyang gawin ang sequel ng “Feng Shui,” ayon kay direk Chito.
Doble-doble ang mga pasabog sa muling pagbabalik ng “Feng Shui” sa pinilakang tabing. Doble ang katatakutan sa pagbabalik ni “Lotus Feet” at doble rin ang kilabot dahil doble suwerte at doble malas ang sasapit sa sino mang mangangahas na tumanggap ng kahit na ano mula sa kahindikhindik na bagua.
Suportado
Hindi nakadalo si Aiza Seguerra sa opening ng Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) dahil nasa USA siya para sa kasal nila ni Liza Dino. But then, suportado naman ni Aiza ang QCIPFF at ang LGBT community. Wala rin sina Charice Pempengco, BB Gandanghari at iba pang all-out celebrity gays and lesbians sa nasabing affair na ginanap sa Trinoma Activity Center. Baka naman hindi sila na-inform?
Supporter din ng LGBT community si Boy Abunda na pinarangalan ng QCIPFF. Pinagkalooban naman ng special citation ang yumaong Comedy King na si Dolphy dahil sa mga pro-gay movies na ginawa nito.
Suportado ni Mayor Herbert Bautista ang QCIPFF at naniniwala siya sa gay relationship. Pirma na lang niya ang kailangan sa naipasang Gender Fair Ordinance ng QC council para mabigyan ng pantay na karapatan ang LGBT community gaya ng pangkaraniwang mamamayan ng QC.
Hanggang Dec. 16 ang ongoing QCIPFF sa Trinoma cinemas.