FRANCHISE na ang “Kubot: The Aswang Chronicles” at ginanap ang contract-signing noong Dec. 11 ng Agosto Dos, Reality Entertainment at GMA Films. Si Dingdong Dantes ang producer ng Agosto Dos at si Dondon Monteverde ng Reality Entertainment.
Entry sa 2014 Metro Manila Film Festival ang naturang pelikula na pinagbibidahan din ni Dingdong, directed by Erik Matti. Anang huli, hanggang gusto ng moviegoers ang “Aswang Chronicles,” tuluy-tuloy ang sequels nito. Nauna ang “Tiktik” na ginamitan ng green screen. Dito sa “Kubot,” mas matindi ang storyline, mas bongga ang special effects at action sequences.
Ayon kay direk Erik, ang kubot ay uri ng isang babaeng aswang na mahaba ang buhok na parang tentacles na ginagamit para mapisil nang todo ang laman loob ng mga biktima at lalabas na parang gel. Nilinaw pa ng direktor na hindi horror kundi action-adventure-comedy ang “Kubot.”
P70 to P80 million ang production budget, wala pa ang promotion ng pelikula.
No expectations
Twice nanalong Best Actor si Dingdong Dantes sa Metro Manila Film Festival, pero aniya, wala siyang expectations dito sa “Kubot.” Masaya na siyang may festival entry muli siya.
“Mas exciting, mas marami ang cast, mas bongga ang special effects, mas marami akong kalaban dito,” anang Kapuso Primetime King.
Magpapatuloy pa rin daw siya sa pagpoprodyus kahit may asawa na siya. “Mas kailangan ko magsipag para sa pangkabuhayan ng pamilya ko (laughs),” sambit ni Dingdong.
Ayon naman kay direk Erik, hindi nila motivation ang manalo ng award (o awards) dahil mas gusto nilang mapasaya ang mga manonood ng kanilang pelikula.
Kasama ni Dingdong sa cast sina Isabelle Daza, KC Montero, Lotlot de Leon, Julie Ann San Jose, Abra, Elizabeth Oropesa, Joey Marquez, Ramon Bautista at Hannah Ledesma na pumalit kay Lovi Poe.
Nag-back out si Lovi dahil diumano’y naliitan siya sa role, bukod sa diumano pa rin ay humingi ng increase sa kanyang talent fee.
Ayon kay direk Erik, mula umpisa hanggang katapusan ng pelikula’y kasama si Hanna.
Maiba naman
For a change, nag-comedy naman si Lotlot de Leon sa “Kubot: The Aswang Chronicles.” Pakikay ang role niya at kapatid siya rito ni Dingdong Dantes.
“Maiba naman, hindi ’yung nagdadrama ako o kontrabida. May eksena ako rito na nilublob ako sa swimming pool na naka-harness,” wika ni Lotlot.
Nagkatrabaho na sila ni Dingdong sa “Dyesebel,” kaya komportable na siya with him. Aniya, wala pang relasyon noon sina Dingdong at Marian Rivera, pero parating nagbibiruan ang dalawa sa set.
Ani Lotlot, happy siyang magpapakasal na sina Dingdong at Marian. Invited siya sa wedding at dadalo siya, ani Lotlot.
Aniya pa, dumalaw si Marian sa set ng “Kubot” at nagdala ng maraming boxes ng pizza pie.
Kumusta naman ang kanyang lovelife? “Happy ako with my Lebanese boyfriend,” ani Lotlot. “Pero wala pang wedding plans.”
Nominated
Nominated si Ruru Madrid for Best Actor sa 25th Singapore International Film Festival para sa pelikulang “Above the Clouds.” “Honored, excited at happy ako sa recognition. Bonus na lang kung mananalo ako,” saad ni Ruru na nagpunta sa Singapore para dumalo sa Awards Night.
Hindi siya umaasa at sapat nang nominated siya sa naturang film festival. Sa Dec. 21 ay magkakaroon siya ng Fans Day bilang pasasalamat sa suporta ng kanyang fans.