TULOY ang alis ni Yasmien Kurdi kasama ang kanyang asawa’t anak papuntang Kuwait para roon mag-Pasko. Paalis sila on Dec. 23 at sobrang excited siyang makitang muli at makasamang mag-celebrate ng Christmas ang kanyang Lebanese dad.
Hindi nakasama ang passports nila sa mga documento, BIR records, receipts, school records, baby pictures, et cetera na nasunog sa storage ng kanilang condominium unit.
Ayon kay Yasmien na nakausap namin sa taping ng “Yagit” sa Pandacan, Manila, first time makikita ng kanyang daddy ang anak niyang si Ayesha at first time rin nitong makikilala ang husband niya.
Four days silang mananatili sa Kuwait at sa Dubai naman sila magnu-New Year sa bahay ng kanyang father-in-law. Hanggang Jan. 3 sila roon.
Ayon kay Yasmien, hindi alam ng daddy niyang pupunta sila sa Kuwait dahil gusto niya itong sorpresahin. Year 2008 pa sila huling nagkita at miss na miss na niya ang kanyang daddy. She was 18 years old noong naghiwalay ang kanyang parents. Isang Lebanese rin ang asawa ngayon ng kanyang daddy.
Nag-a-advance taping sila ng mga episode ng “Yagit” para marami silang pondo at hindi sila mangangarag. Ani Yasmien, wala namang problema sa pakikipagtrabaho niya sa mga batang yagit dahil disiplinado ang mga ito.
Hindi pa ready
Nakausap din namin si LJ Reyes sa taping ng “Yagit” at aniya, halos wala na siyang pahinga sa katatrabaho. Pero hindi naman siya nagrereklamo dahil mas gusto niyang may pinagkakaabalahan siya, kesa “nganga” siya.
Bukod sa taping ng “Yagit,” may gagawin siyang indie film, “Anino sa Likod ng Buwan” with direk Jun Lana. May gagawin din siyang stage play next year sa CCP (Cultural Center of the Philippines).
Nag-aaral pa si LJ ng Economics sa La Salle at tinatapos niya ang kanyang thesis. Gusto rin niyang mag-aral ng Culinary Arts.
Paano na ang lovelife? “Hindi pa ako ready makipag-relasyon,” ani LJ. Hanggang dating lang siya at hindi niya itinanggi na lumalabas sila ni JC de Vera. Minsan, grupo sila, minsan silang dalawa lang. Si JC na lang daw ang tanungin namin kung nanliligaw ito sa kanya.
Bad girl ang character niya bilang Flora sa “Yagit” at ani LJ, okey lang kung nata-typecast siya sa gano’ng role. She sees to it naman na iba’t ibang atake ang ginagawa niya.
Wala siyang problema sa pakikipagtrabaho sa mga batang “Yagit” dahil walang sinusumpong at masunurin silang lahat kay direk Gina Alajar. “Pag low bat na sila, tahimik lang sila,” saad ni LJ.
Pasasalamat
Christmas Party for the Press ngayong Lunes ng ABS-CBN na concert party. May singing contest sa press kasama ang ABS- CBN Philharmonic orchestra.
Bumawi naman ang GMA7 sa kanilang Christmas Party for the Press. Last year kasi, walang party, pati ang ABS-CBN at TV5 dahil sa bagyong Yolanda. Naunang nagbigay ng Christmas Party for the Press ang TV5 na lahat ay umuwing masasaya.
Libo-libong cash prizes ang ipina-raffle ng Kapuso Network mula sa big bosses, mga Kapuso stars at kay Manny Pacquiao. Hosts sina Bettina Carlos, Pekto at Boobay.
Bukod sa raffle, may games pa, kantahan at sayawan. Sumayaw sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Kumanta sina James Wright, Jonalyn Viray, Gabi Garcia at Mikoy Morales. Sumaglit at bumati sina Camille Prats, Suzi Entrata-Abrera, Donita Rose, Alessandra de Rossi, Gladys Reyes, Chef Boy Logro, Julie Ann San Jose at Mike Enriquez. ’Andun din ang ilang GMA executives. Sa tatlong TV networks, thank you, thank you, ang babait ninyo. Thank you! Kantahin ba?