OKEY lang kay Lotlot de Leon kung sinasabing mas maganda sa kanya ang anak niyang si Janine Gutierrez. Aniya, mas gusto niya ’yun. As a mom, super proud siya kay Janine. ’Yung iba nga namang anak ng celebrities ay mas maganda kesa sa kanilang ina.
Sa totoo lang, ang gaganda rin ng dalawa pang anak na babae nina Lotlot at Ramon Christopher na sina Jessica at Maxene at ang guwapo ng only son nilang si Diego. Ipinakita sa amin ni Lotlot ang pictures ng mga ito sa kanyang cellphone noong presscon ng “Kubot: The Aswang Chronicles.”
Six footer si Diego at basketball player sa school nila sa Asia and The Pacific College. Si Jessica naman ay nagtatrabaho na sa isang company sa Ayala, Makati City. High school naman si Maxene. Walang interest ang mga itong mag-artista, ayon kay Lotlot at tanging si Janine lang ang mahilig.
Super proud mom si Lotlot kay Janine at aniya, parati niyang sinasabihan itong huwag lalaki ang ulo at mahalin nito ang trabaho. Dasal lang niya’y huwag muna itong mag-aasawa. “Ako kasi, batang-bata nag-asawa (laughs),” ani Lotlot.
Aprub siya sa relasyon nina Janine at Elmo Magalona. Gentleman daw ito, malambing at makuwento. “Nakita ko sa ngiti ni Janine na meron silang “something” ni Elmo nu’ng tanungin ko siya. Friends daw sila. Sabi ko, Janine, huwag mo akong syobisin. ’Yun na! Umamin din (laughs),” ani Lotlot.
First movie
May hawig (kaunti lang naman) kay Lovi Poe si Hannah Ledesma na ipinalit sa kanya sa “Kubot: The Aswang Chronicles.” Nag-join si Hannah sa Bb. Pilipinas at candidate No. 5 siya. Naging bahagi rin siya ng “Be Careful with My Heart.”
“Grateful akong bahagi ako ng “Kubot: The Aswang Chronicles.” First movie ko ito at marami akong natutunan sa mga kasama ko at kay direk Erik Matti,” wika ni Hannah sa presscon.
Ayon naman kay direk Erik, satisfied siya sa performance ni Hannah. “She did justice to her role as Sonia,” saad ni direk na co-writer din ng pelikulang entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.
Maraming eksena rito na ang location shoot ay sa bundok, quarry at Binondo. May team ng Chinese stuntmen at riggers na dinala pa rito sa Pilipinas para sa mga eksenang kinailangan ng sabitan, talon at lipad para mas exciting.
Si Dave Yu ang in charge sa special effects. Challenge rin ang digital prosthetics dahil ang mga gumaganap na mga aswang ay mga totoong artista (hindi double). Ang pinaka-challenging sa lahat ay ang itsura ng pangunahing kubot (Elizabeth Oropesa). Dapat ay makatotohanan ang itsura at paggalaw ng buhok.
Sumisigaw lang, hindi nagmumura
Todo-iwas si direk Gina Alajar at ayaw magpa-interbyu sa entertainment writers na dumalaw sa set ng “Yagit” sa may riles ng train sa Pandacan, Manila. Getz agad naming ayaw niyang pag-usapan ang anak niyang si Geoff Eigenmann and his ex-girlfriend Carla Abellana. Nakapagsalita na kasi noon si direk Gina tungkol sa hiwalayan ng dalawa.
When told na tungkol lang sa “Yagit” ang itatanong, only then, nagpaunlak ang lady director. Aniya, mahirap idirek ang mga batang “Yagit,” pero ni-ready na niya at ng buong staff habaan ang kanilang pasensiya para less stress sa kanila.
“It takes time. Minsan, nakakaubos ng pasensiya. Pag galit na ako, ipinapasabi ko sa staff para malaman nila. Minsan, nakakasigaw ako, pero hindi ako nagmumura,” lahad ni direk Gina.
Aniya pa, continous workshop ang mga bagets para aware ang mga ito kung ano ang gagawin sa rehearsal pa lang. Okey naman sila at nakakasunod sa instructions.