LAST day ngayon ng 2014 at mamayang hatingggabi’y papasok na ang 2015. Nawa’y maging mapayapa ang pagsalubong natin sa Bagong Taon. Gaya ng paulit-ulit na paalala ng Department of Health (DOH), mag-ingat sa pagpapaputok o di kaya, iwas-paputok na lang, lalo na ng baril para iwas-disgrasya.
Maraming buhay na ang nawala, marami na ang nasugatan, nasabugan sa mukha, naputulan ng mga daliri at kamay dahil sa delikadong pagpapaputok, kaya sana iwasan na. Torotot, pagbusina ng mga sasakyan, pagkalampag sa mga balde, kaldero at palanggana ang maaaring gamitin para mag-ingay sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Na-trauma
Loyal ever talaga si German Moreno sa GMA7. May offer sa kanya para mag-host ng isang event ngayong New Year’s Eve sa isang barko. Pero tinanggihan niya ’yun kahit pa the price is right. Mas pinili at pinahalagahan ng Master Showman ang gagawing New Year Countdown ng GMA kasama ang ilang Kapuso stars sa Seaside Boulevard SM Mall of Asia simula 10 p.m.
Ayon kay Kuya Germs, na-trauma siyang sumakay ng barko. May event sila noon at kasama niya ang ilang dating Sampaguita stars. Habang nagpe-perform ang isang aktor, biglang lumakas ang alon sa dagat at umalog-alog ang sinasakyan nilang barko. Lahat sila’y nag-panic at nahilo. ’Yung iba’y nagsuka pa.
Since then, naisumpa ni Kuya Germs sa kanyang sariling never again siyang sasakay ng barko. Unforgettable experience niya ’yun na ilang dekada na ang nakalipas, pero malinaw pa rin sa kanyang isipan ang mga kaganapan.
New Year Countdown
May New Year Countdown din ang TV5 na first time nilang gagawin. Called “Happy sa 2015: The Philippine New Year Countdown ,” gaganapin ’yun sa Quezon Memorial Circle. Live ito at exclusive coverage simula 10:30 p.m.
Hosts sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Derek Ramsay at Alice Dixson. Performers sina Kuh Ledesma, Gab Valenciano, Jasmine Curtis-Smith, Neil & Talentadong Pinoy 2014 finalists, Empoy, Philippine All-Stars, Kapatid stars, and a lot more.
Sa umaga, may registration para sa The Only New Year Artista Search at 10 a.m. Go na sa Quezon Memorial Circle at baka ikaw ang palaring manalo.
Bukod sa kantahan, sayawan at iba pang kagimikan sa pagsalubong sa Bagong Taon, may world-class fireworks display mula sa Canada at Pilipinas plus spectacular 3D mapping show. May street party pa with live bands.
Make or break
May magandang pasalubong ngayong 2015 sina Jake Vargas at Bea Binene para sa kanilang fans. Isang pelikulang tatampukan nila na pinamagatang “Liwanag sa Dilim.”
Napanood namin ang trailer nito sa isang sinehan. Tipong horror-suspense-thriller ang movie ng reel-and-real love team nina Jake at Bea. Kasama rin sa cast sina Sunshine Cruz at Sarah Lahbati. Sa direksiyon ni Richard Somes.
Sana suportahan ito ng fans nina Jake at Bea dahil make or break ito ng kanilang love team. Bakit kaya hindi kilig movie ang ginawa nina Jake at Bea? Mas marami sana ang makaka-relate na mga kabataan kung feel-good movie ’yun na lalabas sila ng mga sinehan na feeling in love.