YUMMY and papalicious ang dating ni Raymart Santiago sa hubad-hubaran niyang eksena sa “Second Chances” sa ipinakitang trailer noong presscon nito. Ang ganda ng porma ng katawan niya ngayon, bunga ng regular niyang pagwo-workout.
“Ang guwapo at maaliwalas ang mukha ni Raymart. Parang walang pinagdadaanang problema,” sambit ng isang reporter. Agree kami.
Ayon pa sa reporter, nagmukhang binata si Raymart at hindi na mukhang tatay. Joke niya, napaganda ’yung paghihiwalay nila ni Claudine Barretto.
May second chance pa kaya sila ni Claudine? “Wala na!” maigting na sabi ni Raymart. Wala na raw siyang pagmamahal sa kanyang estranged wife dahil sa rami ng mga nangyari sa kanila.
In any case, mapapasabak si Raymart sa matitinding drama sa “Second Chances” at mukhang mabubura na ang image niya bilang isang action star. He plays Bernard na dumanas ng matinding kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang asawa (Jackie Rice). Makakahanap siya ng bagong pag-ibig, si Lyra (Jennylyn Mercado).
Not true
For now, ayaw isipin ni Jennylyn Mercado na magkakaroon sila ng second chance ni Dennis Trillo. Itinanggi ni Jen ang tsikang nagkabalikan sila. Pero inamin niyang paminsan-minsan ay nagkikita sila dahil nagkakasama sila sa training. Pareho kasi silang aktibo sa triathlon.
Ang latest sighting sa kanila’y nag-swimming sila sa Batangas. Pero ani Jen, kasama nila ang kanilang team.
Itinanggi rin ni Jen ang tsikang nagpupunta siya sa condo unit ni Dennis. Wala raw siyang time na pumunta sa iba’t ibang lugar sa sobrang hectic ng kanyang schedule.
Nahihiya nga si Jen kay Dennis dahil baka raw isipin nito and his camp na nagagamit ang kanyang ex-boyfriend sa promotion ng “Second Chances.” Parati kasing kinukulit ng press si Jen kung posible kayang magkaroon sila ng second chance ni Dennis.
Sa Monday (Jan. 12) na ang pilot telecast ng “Second Chances” pagkatapos ng “Once Upon a Kiss” sa GMA Telebabad.
Ganda-gandahan
Feeling reyna-reynahan at ganda-gandahan si Pokwang noong nagsu-syuting siya ng “Edsa Woolworth.” Mga American actor ang kasama niya rito na sina Lee O’Brien at Stephen Spohn at ang half-Turkish-half Pinoy na si Prince Saruhan. Sina Lee Robin Salazar (US based na ngayon) at Ricci Chan ang mga kasama naman niyang Pinoy actors.
Nag-effort pang pumunta sa Pilipinas sina O’Brien, Spohn at Saruhan para dumalo sa presscon ng “Edsa Woolworth.” Mananatili sila sa bansa hanggang maipalabas ang movie sa Jan. 14.
Ayon kay Pokwang, noong mga unang araw ng shooting ng naturang movie ay kinabahan siya. Nose bleed daw siya sa pakikipag-usap sa co-actors niya. Alagangalaga raw siya ng mga ito during the shoot at parati siyang pinapasaya.
“Nag-enjoy ako working with them, lalo na sa halikan. Chos!” sambit ni Pokwang.
Tungkol sa pamilya ang” Edsa Woolworth” na bilang isang anak ay maraming pagdadaanang pagsubok si Pokwang. Somehow ay nakaka-relate siya, ayon kay Pokwang dahil may Alzeimer’s (nag-uulyanin) na ang kanyang mommy. Hindi na raw siya nito nakikilala at kung anu-ano na ang itinatawag sa kanya.
“Habang buhay pa ang mga mahal natin sa buhay, ibigay natin ang ating pagmamahal,” wika ni Pokwang.
Directed by John-D Lazatin, ang “Edsa Woolworth” ay unang ipinalabas sa America at Canada in November 2014 na umani ng magagandang reviews. Ipinapakita ng pelikulang ito ang universal values na mahalaga sa bawat Pinoy, una na rito ang pagmamahalan at pang-unawa sa isa’t isa ng isang pamilya.