KASAMA sa 10 bagong programa ng TV5 ngayong 2015 ang “2½ Daddies,” tampok sina Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari. Sitcom ito na mapapanood every Saturday simula sa Jan. 24 at 7 p.m.
After 21 years, reunited sa isang project sina Robin, Rommel at BB. Nagkasama sila sa pelikulang “Mistah” at “lalaking-lalaki” pa si BB na kilala noon bilang Rustom. Now, “girl na girl” na siya.
Talyadang-talyada si BB noong grand presscon ng TV5 para sa 10 bagong shows. Ganda-gandahan at seksi-seksihan. ’Kaaliw ang ipinakitang trailer ng “2½ Daddies” na may eksenang sinabihan si BB na siya ba si Carmina Villarroel?
First comedy show ever ito ng Padilla siblings at kasama sa cast sina Alice Dixson, Francine Prieto, Dennis Padilla at Celia Rodriguez na nagsabing, “This show will end all comedy shows.”
Pilot telecast din on Jan. 24 at 10 p.m. ng “Call Me Papa Jack,” with DJ and love guru Papa Jack. Weekly show rin ito kung saan magbibigay siya ng payo sa mga may love problem.
Sa Jan. 25 naman ang pilot telecast ng “Move It: Clash of the Street Dancers,” first-ever streetdance competition on Philippine TV. Hosted by Jasmine Curtis-Smith and Tom Taus. Every Sunday ang airing nito at 7 p.m. Kasunod nito ang “Mac & Chiz” nina Derek Ramsay at Empoy every Sunday at 8 p.m. Would you believe, twin brothers sila sa sitcom?
Sa Feb. 28 naman ang launching ng “Rising Stars,” hosted by Ogie Alcasid and Venus Raj. Every Saturday and Sunday, 9 to 10 p.m., ang telecast ng singing competition na ito.
Di isyu
Wala pa namang nananakit o nagmumura sa kanya kapag nakikita siya in public places, ayon kay Thea Tolentino. Super maldita kasi ang karakter niya sa “The Half Sisters” kung saan parati niyang inaapi at ipinapahiya si Barbie Forteza.
Ayon pa kay Thea na nakausap namin sa launch ng mga bagong celebrity endorser ng Boardwalk, hindi naman siya bina-bash ng fans and supporters ni Barbie. “Trabaho lang ang ginagawa namin. Off-cam, friends kami ni Barbie,” sambit ni Thea.
Hindi isyu sa kanya kung kontrabida role ang ibinibigay sa kanya ng GMA7. “Basta may trabaho, ’yun ang importante sa akin,” ani Thea.
Kasama rin sa bagong celebrity endorsers ng Boardwalk si Jeric Gonzales na dating ka-love team ni Thea. Aniya, nami-miss na niya ang love team nila ni Jeric. Wish niyang magkatrabaho silang muli sa isang project ng GMA.
She stressed na working partners lang sila at never siyang niligawan ni Jeric.
Si Mikoy Morales ang ka-“somethingan” ni Thea na hiya-hiyaan pang aminin ng dalaga. The who si Mikoy? Siya ’yung gumaganap na half-brother ni Janine Gutierrez (Ikay) sa “More Than Words.”
Balik-akting
May special participation si Eric Quizon sa “Oh My G!” bilang ama ni Janella Salvador (as Sophie). Mamamatay agad ang karakter ni Eric at doon magsisimula ang pagbabago sa buhay ng anak niyang si Sophie.
This Monday (Jan. 19) magsisimula ang OMG bago mag-“It’s Showtime” sa ABS-CBN Prime-Tanghali.
Kahit maikli lang ang exposure ni Eric sa OMG, okey lang sa kanya. Na-miss lang talaga niya ang pagarte, kaya tinanggap niya ang role. Parati kasing pagdidirek ang naibibigay sa kanya sa mga project niya noong nasa TV5 pa siya.
Bumalik siya sa ABS-CBN at happy and thankful si Eric na muli siyang binigyan ng pagkakataong makaarte, bukod sa pagdidirek. Siya ang direktor ng bagong sexy series na “Passion de Amor” na tatampukan nina Ellen Adarna, Coleen Garcia, Arci Muñoz, Joseph Marco at Jake Cuenca.