SA kabila ng parehong pagtanggi nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nagkabalikan sila, hindi pa rin “mamataymatay” ang isyu. May mga lumalabas pa ring balitang nakita silang magkasama. Ang latest, diumano’y nakita silang magkasamang nagjogging sa UP Diliman campus, QC.
Early morning daw ’yun. Sa pagkakaalam namin, magkalayo ang tirahan nina Dennis at Jennylyn. Sa QC ang aktres, sa bandang Mandaluyong (kung hindi pa lumilipat) naman ang aktor. Para mag-effort gumising nang maaga si Dennis at sabayan si Jennylyn sa pagdya-jogging, hindi maiwasang isiping talagang may namamagitan between them.
Hindi kaya ang “excuse” ng dalawa’y nagkataon lang na nagkita sila at hindi sinadyang sabay silang nag-jogging?
Parating magkasama
Lalong lumalalim ang friendship nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, mga bida ng GMA primetime series na “Once Upon a Kiss.” Halos araw-araw ay magkasama sila at nagkikita sa taping nito.
Last week ay binigyan pa ni Miguel ng flowers si Bianca na ikinagulat pa ng huli. Mahilig kasing mag-surprise si Miguel na ina-appreciate naman ni Bianca. Aniya, sweet, thoughtful at gentleman si Miguel.
Magkasama na naman sila ngayong Sabado sa Iloilo para sa Dinagyang Festival. Kasama rin sina Betong Sumaya at Mike “Pekto” Nacua.
Paliguy-ligoy
Kahit nag-post na sila sa kanilang social media accounts ng sweet photos nila ni Megan Young, hindi pa rin diretsang maamin ni Mikael Daez ang relasyon nila. Paliguyligoy pa rin ang sagot niya kapag tinatanong siya ng press sa estado ng kanilang relasyon.
How true naman kaya na babalik na si Megan sa GMA7? Natapos na ang reign niya bilang Miss World 2013, kaya pwede na niyang balikan ang kanyang showbiz career. Sa pagkaalam namin, bahagi ng premyo niya bilang Miss World-Philippines 2013 ay management contract sa Kapuso Network.
Bago sumali si Megan sa Miss World Philippines 2013 ay lumipat siya sa ABS-CBN. Nakalabas din siya sa ilang programa ng TV5. GMA ang original home studio niya at produkto siya ng “Starstruck” Batch 2.
Samantala, bilang ambassador ng Save the Children (STC) kamakailan ay nagpunta si Mikael sa Pag-asa Elementary School sa Caloocan City at nag-story-telling siya sa mga mag-aaral doon. Kasama niya si Kylie Padilla na ambassador din ng STC na nagbahagi ng kanyang kuwento sa humigit-kumulang na 70 mag-aaral, seven to nine years old. Bahagi rin ng Save the Children Organization ang isinagawang feeding program.