BALIK-GMA si Empress Schuck at first project niya ang “Kailan Ba Tama ang Mali.” First kontrabida at first daring role ever niya ito at aniya, marami siyang kissing scenes na never niyang ginawa noong nasa ABS-CBN pa siya.
“Sobrang saya ko na balik-GMA ako,” ani Empress sa presscon. “Thank you sa warm welcome sa akin. Sobrang bait ng mga tao rito at hindi ko in-expect na marami akong magiging friends. Komportable agad ako sa mga kasama ko sa show. Lahat sila’y mababait, masarap at magaan katrabaho.”
Dagdag pa ni Empress, okey lang kung bida o kontrabida role ang ibigay sa kanya. Walang problema kahit ma-typecast siya sa kontrabida role.
First time niyang katrabaho si Geoff Eigenmann na nagsabing malakas ang dating ni Empress. “Thank you,” sambit naman ng aktres.
Aniya, mabait na tao si Geoff at nagtutulungan sila sa mga eksena nila together. Never niyang naramdamang nag-take advantage si Geoff sa kissing scenes nila. Sobrang gentleman ang Kapuso actor, ani Empress.
Asked Geoff kung may lovelife ba siya ngayon. “Wala! I’m enjoying my single life,” anang ex-boyfriend ni Carla Abellana. Single rin daw si Empress, aniya. Tingnan natin kung may magkakadebelopan habang ginagawa nila ang KBTAM. Abang-abang na lang.
Loyal ever
Nananatiling loyal ever si Dion Ignacio sa GMA7 at almost ten years na siyang nagtatrabaho sa Kapuso Network. Aniya, never niyang inisip lumipat sa ibang TV station dahil masaya siya sa GMA.
“Hindi ako nawawalan ng trabaho at sobrang thankful ako na pinagkakatiwalaan ako ng management. Lalo kong pinagbubuti ang trabaho ko,” pahayag ni Dion sa presscon ng “Kailan Ba Tama ang Mali.”
He plays Oliver, boss ni Amanda (Max Collins) na mai-in love with her kahit may asawa na ito (Geoff Eigenmann). Nagkatrabaho na sina Dion at Max sa “Innamorata,” kaya komportable na sila sa isa’t isa.
“Masarap katrabaho si Max. Walang arte at very professional,” ani Dion.
Single siya ngayon. Nag-break sila last year ng non-showbiz girlfriend niya, ayon kay Dion. “Ayoko munang makipagrelasyon ngayon. Wala akong time. Trabaho muna. Nag-iipon ako para makapagpatayo ng bahay. Nakabili na ako ng 100-sq-m lot sa Marikina. Priority ko ang magkaroon ng sariling bahay,” lahad ni Dion.
Tampok din sa “Kailan Ba Tama ang Mali” sina Ryza Cenon, Chariz Solomon, Ash Ortega, Ervic Vijandre at Ken Alfonso. Mula ito sa direksiyon ni Gil Tejada. KBATM premieres on Feb. 9 sa GMA Afternoon Prime.
Umaani ng mga papuri
Patuloy na sinusubaybayan at umaani ng mga papuri mula sa televiewers at social networking sites ang “Yagit.” Puring-puri nila ang mga batang yagit sa kanilang performances, pati daloy ng istorya ng Kapuso Afternoon prime series.
Sa TV rating data supplier na Nielsen TV Audience Measurement (Dec. 1-Jan. 16), nakapagtala ang “Yagit” ng 13.2% mula sa National Uban Philippines household rating, Urban Luzon (15.1%), Mega Manila (15.7%).
Mamaya sa “Yagit,” may engagement party si Victor. Magge-gate crash si Dolores para makita si Elisa. Gustong ipapatay ni Rex si Elisa.
Samantala, sa “Once Upon a Kiss,” nakabalik na sa San Bartolome sina Aurora at Ella. Hihilingin ni Prince sa inang si Giselle na magpunta rin sila sa San Bartolome. Gusto niyang mamasyal doon.
Sa paglalakad nina Melody at Ella, nakakita siya ng palaka. Maaalala niya si Prince. Hinulaan si Prince ng babaeng humula rin kay Ella na makikita niya ang kanyang hinahanap. Muli silang magkikita ni Ella.