NAKAKA-RELATE si Sarah Lahbati sa sweet-sweetan/tampuhan moments nina Jake Vargas at Bea Binene noong nagsu-shoot sila ng “Liwanag sa Dilim.” Ani Sarah, napagdaanan din niya ’yun noong teenager siya. She is 20 years old now at mother ng magtu-two years old son niyang si Zion. Father is Richard Gutierrez.
“Niintindihan ko sila. Ganyan din ako noon. Nakita ko sa kanila kung gaano sila ka-in love sa isa’t isa,” lahad ni Sarah. Wala naman siyang masabi sa isyung break na sina Jake at Bea.
After 3 or 4 years pa balak sundan nina Sarah at Richard si Zion. Gusto muna nilang i-enjoy ang bagets, lalo na ngayong naglalakad na at nakakapagsalita na si Zion.
Wala pa rin silang planong magpagkasal ni Richard dahil focused sila kay Zion. Bagama’t napag-uusapan nila ni Richard ang pagpapakasal, hindi ito ang kanilang priority this year.
First movie ni Sarah ngayong 2015 ang “Liwanag sa Dilim” kung saan isang mysterious character ang ginagampanan niya.
Noong una raw ay nanibago siya sa trabaho dahil hindi na siya sanay magpuyat. Umiinom na lang siya ng tatlong tasa ng kape para hindi siya antukin sa shooting.
Mag-e-expire next month ang kontrata ni Sarah sa GMA7 at hindi niya alam kung ano’ng mangyayari. Wala pang plano.
Patama kaya?
Hindi maiwasang isipin ng entertainment press na baka raw patama kay Carla Abellana ang sinabi ni Geoff Eigenmann sa presscon ng “Kailan Ba Tama ang Mali” na kung magkaka-girlfriend siyang muli, gusto niya’y honest ito. Hindi kaya naging honest ang ex-GF niyang si Carla noong together pa sila?
Anyway, matagal nang single si Geoff at aniya, nag-e-enjoy siya sa status niya ngayon. Kung may bagong darating (lovelife), ready naman siya, anang Kapuso actor. For now, hindi siya naghahanap at work muna ang focus niya, ani Geoff.
Aniya pa, hindi naman siya napi-pressure na magkaroon ng lovelife. Happy naman siya at kuntento with his life now.
Busy-bisihan siya ngayon sa bago niyang project sa GMA, ang “Kailan Ba Tama ang Mali,” kasama sina Max Collins, Empress Schuck, Dion Ignacio, atbp. Pilot telecast nito sa Feb. 9 sa GMA Afternoon Prime, kapalit ng “Ang Lihim ni Annasandra.”
Di pa rin nakakadalaw
Hindi pa rin nakakadalaw si Jake Vargas sa manager cum tatay-tatayan niyang si German Moreno. Maski noong nasa hospital pa si Kuya Germs, hindi nakadalaw si Jake. Nasa bahay na ngayon ang Master Showman at nagpapagaling, wala pa ring effort si Jake dalawin ito.
“Bawal daw kasing dalawin si tatay,” ani Jake nang nakausap namin sa presscon ng “Liwanag sa Dilim.”
May nagbabawal kaya? Bakit naman ’yung ibang artistang anak-anakan din ni Kuya Germs ay nakadalaw sa kanya? Si Sharon Cuneta, dinalaw sa hospital (St. Luke’s) si Kuya Germs.
Ayon pa kay Jake, nahihirapan siya ngayon dahil walang nag-aasikaso sa kanyang career. Hindi siya makapag-desisyon kung ano’ng gagawin. Wala pa siyang next project after “Strawberry Lane.” Dalawa lang ang regular shows niya sa GMA, “Pepito Manaloto” at SAS (“Sunday All Stars”).
’Yung “Liwanag sa Dilim,” last year pa niya ginawa at sa Feb. 11 ang showing nito. Busy-bisihan ngayon si Jake sa promotion nito.