CHANGED man na nga siguro si Dr. Hayden Kho dahil ibang-iba na siyang magsalita ngayon. Matapos ang video sex scandal na kinasangkutan niya, aniya’y may mga tao siyang nakilala na nagdala at naglapit sa kanya sa Panginoon. Sinimulan niyang ayusin at kilalanin ang kanyang sarili, kung ano ang buhay niya.
“Ako ang most hated man after the scandal. I lost everything I had. It was an intimidating journey. I was struggling, (trying to determine) who I am, what’s the meaning of life. I tried so many things. I tried so many doctrines,” ani Dr. Hayden nang nakausap namin sa taping ng “Healing Galing” sa studio ng TV5. Co-host niya sa medical show na ito si Dra. Edinell Calvario, sharing her knowledge on naturopathic medicine (or alternative medicine).
“Healing Galing” airs Monday to Friday at 10 a.m.
Ayon kay Dr. Hayden, hindi niya akalaing magkakaroon siya ng show sa TV5. Thankful siya sa management sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maibahagi niya sa televiewers ang kanyang kaalaman sa panggagamot. Medical Technology graduate si Kho who pursued further medical studies and graduated from UST in 2005. Nag-aral din siya ng anti-ageing medicine sa Makati Medical Center at nagtrabaho sa Belo Medical Clinic bago nag-showbiz.
Thankful si Kho na naibalik ang kanyang medical license. Aniya, matagal ang naging proseso matapos siyang mag-file ng motion for reinstatement.
Nag-aral siya ng Apologetics sa US at aniya, nagdatingan ang blessings sa buhay niya. Naging Christian siya at naging aktibo sa Christ’s Commission Fellowship (CCF). “I don’t believe in religion. I believe in Jesus Christ. Buong buhay ko, ibinigay ko na sa Kanya. Before, I take anything, everything for granted. Hindi dapat gano’n dahil anything, everything we have are all God’s gifts to us,” sambit ni Dr. Hayden.
Asked kung nagkausap na ba sila ni Katrina Halili at kung humingi na ba siya ng tawad, “Hindi pa. If ever, ayokong ipasulat pa,” ani Dr. Hayden.
Tumanggi rin siyang pag-usapan ang ginagawa niyang pagbabasa ng Bible kay Senator Bong Revilla kapag dinadalaw niya ito sa PNP Custodial Center. Baka raw magalit si Lord.
Single mom
Saglit lang naming nakausap si Dra. Edinell Calvario, pero marami kaming natutunan sa kanya tungkol sa naturophatic medicine na pinag-aralan niya sa Sri Lanka noong 1994. Aniya, alam niya kung ano’ng sakit ng isang tao kapag tiningnan niya ang dila, palad at mga kuko nito.
BS Journalism graduate si Dra. Edinell sa Lyceum of the Philippines. Naging Radyo Patrol No. 9 siya sa ABS-CBN at naging field reporter ni Noli de Castro. Noong nag-resign siya, nag-aral siya ng naturophatic medicine.
Una siyang nagkaroon ng radio program, “Radyo ng Bayan” sa DZRB. Mula sa programa niya sa Radyo 5, “Healing Galing,” kung saan nagbibigay siya ng payong pampagaling sa milyon-milyong Pilipino na nakikinig sa kanya, nagkaideya ang management ng Kapatid Network na magkaroon ng medical show. Pinagsama sila ni Dr. Hayden Kho sa programang may layuning pagsamahin ang Eastern at Western medical practices kung saan nagbibigay sila ng mga lunas at pamamaraan upang maiwasan ang sakit.
Ayon kay Dra. Edinell, noong first meeting nila ni Dr. Hayden, nagdasal agad sila. Single mom si Dra. Edinell at aniya’y kasing-edad ni Dr. Hayden ang daughter niya. Isang reporter ang nag-joke na baka ma-link sila ni Dr. Hayden sa isa’t isa.
“May magagalit,” nakangiting sabi ni Dra. Edinell. Ikaw ba ’yun, Dra. Vicki Belo? ’Yun na!
Gusto nang magka-apo
Gustung-gusto nang magka-apo ni Gary Valenciano. Ready na siyang maging lolo. Magtu-two years nang kasal ang panganay niyang si Paolo kay Samantha. Ikakasal naman next month ang second son niyang si Gab.
Ayon kay Gary, nagpaplano nang magka-baby this year sina Paolo at Samantha. Panay raw kasi ang travel ng dalawa at ini-enjoy ang isa’t isa noong unang taon nila bilang mag-asawa.
Ang bunso at only girl niyang anak na si Kiana ay nakatakdang pumunta sa London para mag-aral ng fashion and design. Short courses lang ang kukunin ni Kiana, ani Gary.
By the way, sold out na ang tickets para sa Feb.14 Valentine concert ni Gary sa SM Mall of Asia Arena. Two-night concert ito (Feb. 13 & 14) titled “Ultimate” with Martin Nievera, Lani Misalucha and Regine Velasquez. First time makakasama ni Gary sina Lani at Regine sa isang full concert. Sa mga nakaraan niyang concerts, guest lang niya either si Lani o si Regine. Nagsama na sina Gary at Martin sa isang back-to-back concert (“Us”) a few years ago.
First time together sa “Ultimate” concert sina Gary, Martin, Lani at Regine na ani Gary ay sobrang exciting ito. Kasama sa kanilang repertoire ang mga kantang hinahanap-hanap ng mga tao, biggest hit songs nila, songs na hindi nag-hit, pero gusto ng mga tao. May kanya-kanya silang production number. Two hours and 15 minutes ang show na ididirek ni Rowell Santiago. Sina Ana Puno at Cacai Velasquez-Mitra ang producers. Luxent Hotel ang isa sa mga sponsors ng concert.