ISSUE pala kay Gary Valenciano at sa mga anak niyang sina Paolo, Gab at Kiana na shadows niya ang mga ito, since nasa showbiz na rin ang tatlo. Least nga lang ang exposure ng bunsong si Kiana. Rare ang appearances nito sa TV at sa concerts ni Gary.
Ani Gary, mahirap ang sitwasyon ng mga anak niya dahil hindi maiwasang ikumpara ang mga ito (Paolo and Gab) sa kanya kapag nagpe-perform. May naririnig siyang, “Ah! Mas magaling at sikat pa rin si Gary.”
“We talk about it, pati si Angeli (his wife). We tell them (their children) na talagang gano’n sa showbiz. Hindi maiwasan ang comparison. We tell them, just do their best and don’t be affected sa mga sinasabi ng ibang tao. Always keep your feet on the ground,” words to that effect na sabi ni Gary noong nakausap namin sa presscon ng “Ultimate” concert niya on Feb. 13 and 14 sa SM Mall of Asia Arena.
Kasama niya sa Valentine show na ito sina Martin Nievera, Regine Velasquez at Lani Misalucha.
Ayon kay Gary, walang sibling rivalry ang mga anak niya. They support each other, walang inggit factor. Proud dad si Gary dahil slowly, nare-recognize na ang individual talents nina Paolo at Gab. Singer-director si Paolo, good dancer naman si Gab at gumagawa ng music videos.
Heart-breaking
Hiningan din namin ng pahayag si Gary tungkol sa Fallen 44 (SAF troopers) na namatay sa laban nila sa MILF. Ani Gary, sobrang shocked siya at hurt sa nangyari. “I have lots of questions about the government. Heart-breaking for all of us ang nangyari,” saad ni Mr. Pure Energy.
No comment naman siya sa matapang na pahayag ni Jomari Yllana na pinakatangang presidente si Noynoy Aquino. “Anybody is entitled to his own opinion. Let’s leave space for them,” sambit ni Gary.
Aniya, bilang UNICEF ambassador, naranasan niyang makihalubilo sa MILF noong nagpunta siya sa Mindanao. With the proper coordination, walang untoward incident at maayos kausap ang mga ito, ani Gary.
Amazing
Nasa sistema na ni Lani Misalucha ang American time na nakasanayan niya noong nag-migrate siya sa US kasama ang kanyang pamilya. On time siyang dumating at mas nauna pa siya sa mga inimbitahang entertainment writers sa presscon ng “Ultimate” concert nila nina Gary, Martin at Regine.
Silang dalawa lang ni Gary ang pina-presscon at may hiwalay na presscon sina Martin at Regine. Joke ni Lani, mabuti raw at wala si Martin dahil baka hindi sila makapagsalita ni Gary kung ’andoon si Martin.
Two hours and 15 minutes ang kanilang show at joke ni Lani, ipapaubaya nila kay Martin ang pagsasalita na baka raw abutin ng 15 days ang kanilang show.
Seriously, amazing moment para kay Lani na for the first time ay magkakasama silang apat sa isang concert. “Masaya, exciting ito. We are four different people. May kanya-kanya kaming style na parang roller coaster ride. Si Martin ang magpo-provide ng comic side, si Gary sa sayaw, si Regine sa biritan. Kung pipilitin akong pasayawin, pwede ko ring magawa,” lahad ni Lani.
Pare-pareho ba sila ng TF (talent fee)? Si Gary ang sumagot. Aniya, hindi niya primary consideration ang TF. Alam naman daw ng producers (Ana Puno and Cacai Velasquez-Mitra) ang worth ng bawat isa sa kanila.
Ayon pa kay Gary, mas importante sa kanyang maibigay niya ang kanyang best performance. Gano’n din siya, susog naman ni Lani.