CAN you imagine kung totoong pari si Dingdong Dantes? magsisimba. Sa bagong teleserye ng Kapuso Primetime King ay isang pari ang gagampanan ni Dingdong. Siya si Father Kokoy sa “Pari ’Koy” na mapapanood simula March 9, kapalit ng “More Than Words.”
First time gaganap bilang pari si Dingdong at aniya, challenging role ito for him. Excited at very energized siyang bumalik sa pagtatrabaho matapos ang “Royal Wedding” nila ni Marian Rivera noong Dec. 30.
“Ito’y isang istoryang magbibigay ng inspirasyon sa mga manonood,” ani Dingdong sa ginanap na story conference ng “Pari ’Koy.”
Lumaki siya sa isang magandang pamilya at pinili niyang magsilbi sa simbahan. Nadestino siya sa isang community kung saan masusubukan ang kanyang kakayahan dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya.
“Bilang mga Pilipino, we have our ways of practising our faith, kaya naman malapit sa puso ko ang role ko,” lahad ni Dingdong.
Si Maryo J. delos Reyes na dating seminarista ang direktor ng “Pari ’Koy” kaya malapit din sa puso niya ang project. Tampok din sa PK sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Chanda Romero, Jeric Gonzales, Carlo Gonzales, JC Tiuseco, Rap Fernandez, Luz Valdez, Dexter Doria, Hiro Peralta, Jillian Ward, atbp.
Tomboy
Kung pari ang role ni Dingdong Dantes sa “Pari ’Koy,” how true kaya ang tsikang diumano’y tomboy naman ang role ni Marian Rivera sa bago niyang teleserye sa GMA7? Kung sakali, first time ever sa lesbian role ng misis ni Dingdong.
Nasa honeymoon stage pa rin ang mag-asawa at sa El Nido, Palawan sila nag-celebrate ng Valentine’s Day. Kilig-kiligan pa rin si Marian sa kanyang mister nang bigyan siya nito ng bunch of red roses. Wish nilang magka-baby na sila this year.
Samantala, busy-bisihan muna si Marian sa pag-aaral ng culinary arts habang hindi pa nag-uumpisa ang bago niyang teleserye sa GMA7. Naniniwala si Marian na the way to a man’s heart is through his stomach, kaya nag-aaral siya ng iba’t ibang putaheng gusto niyang lutuin for her dearest husband. Pwede rin daw mag-put up sila ng restaurant.
Priceless
Kakaiba ang celebration ng Valentine’s Day nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Nai-post ng huli sa kanyang Instragram account na nagpunta sila ni Robin sa Maguindanao at inikot nila ang lugar, pati ang pinangyarihan ng madugong engkuwentro ng SAF troopers at MILF.
Ayon kay Mariel, noong sabihin sa kanya ni Robin na pupunta sila sa Maguindanao, natakot siya. Pero naisip daw niyang hindi naman siya ilalagay sa panganib ng kanyang mister, kaya go!
Binisita nila ang civilian casualties. Nakita nila ang maraming lalaking may hawak na baril. May mga taong nakangiti noong nakita sila. May kuha sina Robin at Mariel na isang tangke ang nasa likuran nila. Pareho silang naka-peace sign ng kanilang dalawang daliri. May caption na: No to war, yes to peace!
Ayon kay Mariel, kahit wala siyang natanggap na flowers from her husband noong V Day, priceless naman ’yung kakaibang experience nila sa pag-ikot nila sa Maguindanao, General Santos City at Saranggani province.
Life story
Alamin ang kuwento ng buhay ni Julia Clarete sa “Tunay na Buhay” ngayong Martes. Dati siyang lounge singer, band vocalist at recording artist. May mga kontrobersiya rin siyang kinasangkutan tulad ng alleged drug addiction niya noon at mga relasyon niyang hindi nagtagal. Single mom si Julia at host ng “Eat Bulaga.”
Tutok lang sa “Tunay na Buhay,” hosted by Rhea Santos at 4:25 p.m. sa GMA.