PUMIRMA ng 5-year contract ang child star na si Alonzo Muhlach sa Viva Artist Agency bagamat co-managed ito ng entertainment columnist-talent manager na si Aster Amoyo. Present sa ginanap na contract-signing cum presscon sa Music Hall, Metrowalk, Pasig City si Niño Muhlach (Alonzo’s dad), his present partner at mommy ni Alonzo na si Abby, Veronique del Rosario, Aster at ilang invited showbiz press.
Ire-remake ni Alonzo ang mga pelikulang ginawa noon ng kanyang daddy Niño tulad ng “Kuwatog,” “Butsoy,” “Nognog,” “Peter Pandesal,” among others. Si Niño ang magdidirek at co-produced ang mga ito ng kanyang D’Wonder Films at Viva Films.
Sa TV, mapapanood si Alonzo sa “Inday Bote,” “Goin’ Bulilit” at “Wansapanataym” sa ABS-CBN. May gagawin din siyang TV commercial.
Fifth birthday kahapon (Feb. 19) ni Alonzo at may birthday party siya this Sunday (Feb. 22) at 4 p.m. sa Mowelfund, Rosario Drive, QC. Isang customized van ang regalo ng kanyang daddy Niño.
Maging child wonder din kaya?
Ayon kay Niño, hindi niya naisip na pag-artistahin si Alonzo. Marami ang nagsasabi sa kanyang kamukha niya ito at nag-uudyok na pag-artistahin si Alonzo, kaya pumayag na rin siya. First TV appearance ng bagets sa “Bet on Your Baby” followed by “Pinoy Big Brother All In.” First movie ni Alonzo ay “My Big Bossing” with Ryzza Mae Dizon and Vic Sotto.
Hindi masabi ni Niño kung malalampasan ni Alonzo ang pagiging child wonder niya noong Dekada 80-90.
“Iba kasi noon na marami akong nagawang pelikula. Iba ang sistema noon. Siyempre, as a dad, gusto kong maging successful si Alonzo. Gagawin ko sa kanya ’yung ginawa sa akin ng dad ko (Alex Muhlach). My dad invested well ’yung mga earnings ko. Eight years old pa lang ako, may El Nino Apartelle na ako. May Trust Fund ako. Ayokong matulad si Alonzo sa ibang child stars na nagtrabaho buong buhay nila, noong tumanda’y walang naipon,” wika ni Niño.
Dagdag pa ng dating child wonder, parati siyang pinapaalalahanan noon ng kanyang daddy Alex na darating ang araw na hindi na siya sikat at mawawala ang kanyang katanyagan na kailangan niyang tanggapin. Kaya aniya, noong nawala na ang ningning ng kanyang bituin o has been na siya, maluwag sa kalooban niyang natanggap ’yun. Gano’n din ang parati niyang ipapaalala kay Alonzo ngayong nasa showbiz na ito.
2 new shows
Memorable kay Gabby Eigenmann ang 2014 dahil nabigyan siya ng big break sa “Dading” kung saan gay role ang ginampanan niya. Ngayong 2015, naging bahagi naman siya ng “Once Upon a Kiss” kung saan isang unconventional priest ang role niya.
Then, may dalawa siyang bagong show, “Pari ’Koy” with Dingdong Dantes at “InstaDad” na parehong mapapanood simula ngayong Marso. Sa “InstaDad,” gaganap si Gabby bilang ama ng tatlong teenage girls.
“I feel so blessed. Sarap ng feeling na pinagkakatiwalaan ka ng GMA Network,” sambit ni Gabby.
Kasama sa “InstaDad” sina Ash Ortega, Gabbi Garcia, Jhazz Ocampo, Juancho Trivinio at Matet de Leon. Sa direksiyon ni Neal del Rosario, every Sunday ang airing nito simula sa March 22 after SAS (“Sunday All Stars”).