KAHIT nagbabakasyon pa si direk Maryo J. delos Reyes, hindi siya nagdalawang-isip gawin ang “Pari ’Koy”. Aniya, nagandahan siya sa story dahil magbibigay ito ng inspirasyon at magagandang values sa lahat.
“I like that,” ani direk Maryo. “I want to get the best out of people rather than see the worse in them.”
Aniya pa, tinanggap niya ang project dahil makakatrabaho niyang muli si Dingdong Dantes. Nagkatrabaho na sila sa “Pahiram ng Sandali” at ayon kay direk Maryo, he admires Dingdong as an actor. Relaks daw siyang katrabaho ang Kapuso Primetime King.
Tampok din sa “Pari ’Koy” sina Jeric Gonzales, Carlo Gonzales, JC Tiuseco, Rap Fernandez, Hiro Peralta, Jojit Lorenzo, Lindt Johnson, Jhiz Deocareza, Jillian Ward, Luz Valdez, Chanda Romero at Dexter Doria.
“Looking forward na si direk Maryo sa taping nila ng “Pari ’Koy”. Aniya, “I hope we can create a good show that will touch the lives and hearts of several people.”
Friends lang
As expected, itinanggi ni Julian Trono na nagkaroon sila ng “something” ni Bianca Umali. Aniya, naging super close lang sila noong nagkasama sila sa “Tropang Potchi” (kiddie show ng GMA7). May communication pa rin sila once in a while.
Pero lately, hindi na sila masyadong nagkakausap. Naging busy si Julian sa training para sa K-pop system at kadarating lang niya mula sa Korea kung saan ini-launch ang kanyang first single, “Wiki Me.”
Hindi siya nakapag-ikot sa Korea dahil sobrang lamig doon. Naging busy rin siya sa rehearsals, tapings at pag-shoot ng music video.
Si Bianca naman ay busy sa taping ng “Once Upon a Kiss” at “Ismol Family” at kasama niya si Miguel Tanfelix sa naturang dalawang TV shows.
Ayon kay Julian, friends din sila ni Miguel at wala silang rivalry sa kanilang career o kahit kay Bianca. Nagkasama silang tatlo sa “Tropang Potchi” at sa “Niño.”
Babalik na
Sinorpresa ni German Moreno ang mga badingding na kasama niya sa kanyang radio program sa DZBB, “Walang Siesta,” nang dumalaw siya roon last Wednesday (Feb. 18).
Pinasalamatan niya ang mga taong dumalaw sa kanya noong nasa hospital siya hanggang nakauwi na siya ng bahay. He is getting better. Nakakalakad na siya at nakakapamasyal na.
Nakapanood na siya ng concert at nakadalo sa isang Awards Night kung saan pinarangalan sa larangan ng sports ang apo niyang si Gabriel Luis Moreno na champion sa Archery.
Hopefully, next month ay makakabalik na si Kuya Germs sa kanyang radio program at TV show (“Walang Tulugan with the Master Showman”). Tiniyak raw sa kanya ng big bossings ng GMA Network na hindi aalisin ang mga programa niya hanggang nariyan pa siya at kaya pa niyang magtrabaho.
Ani Kuya Germs, pinag-iisipan na niya kung sino-sino ang mga selebriting ilalagay ang pangalan sa Walk of Fame Philippines sa Eastwood City, QC sa December this year. Sana lang, hinay-hinay muna sa pagtatrabaho, Kuya Germs. Iwasan ang ma-stress! Or else!!!