SA isang barangay sa San Francisco del Monte, QC nagte-taping si Dingdong Dantes ng “Pari Koy.” Gustung-gusto at mahal na mahal siya ng mga tagaroon. Sobrang bait daw ng Kapuso Primetime King at very accommodating. Parating nakangiti kapag nagpapa-picture sila. Never daw nilang nakitang sumimangot si Dingdong.
Kaya naman, anila, suportado nila ang bagong teleserye ni DD. Gabi-gabi nilang sinusubaybayan ang “Pari Koy.”
Ayon sa direktor nitong si Maryo J. delos Reyes, napapanahon ang serye na nagbibigay ng inspirasyon sa televiewers. “After all the problems that our world is encountering, I think that we all need something like this to inspire us, to strengthen our faith not only in God, but in ourselves and our fellowmen. Maganda itong pagkakataon para buhayin uli at bigyang-inspirasyon ang bawat isa,” pahayag ni direk Maryo na ginawaran ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award ng 31st PMPC Star Awards for Movies.
May potensiyal
Bukod kay Bea Binene, may bagong karakter na pumasok sa “Yagit,” yung kay Kiko Estrada. He plays Pipo na magkakaroon ng malaking bahagi sa buhay ni Elisa (Chlaui Malayao). Huling napanood si Kiko sa seryeng “Strawberry Lane” kapareha si Kim Rodriguez na sinasabing malapit sa puso niya ngayon.
Balik-taping na si Yasmien Kurdi sa “Yagit” matapos siyang ma-dengue. Siya ang gumaganap bilang Dolores na ina ni Elisa. Puring-puri ni Yasmien si Chlaui sa pagganap nito bilang Elisa.
Ayon kay Yasmien, habang nagtatagal ang kanilang afternoon series, lalong gumagaling si Chlaui sa pag-atake nito sa karakter na ginagampanan. Nakikita niya ang malaking potensiyal ng bagets bilang artista, ayon pa kay Yasmien.
Extended ang “Yagit,” kaya tuwang-tuwa ang buong cast. Ibig kasing sabihin, extended din ang kanilang talent fees. Naman!
Balik-ABS-CBN
Balik-ABS-CBN si Bing Loyzaga at kasama siya sa cast ng “Wansapanataym: Yamashita’s Treasures” na mapapanood every Sunday simula sa March 22. Nanay ni Julia Montes ang role ni Bing at aniya, mabait ang karakter niya. “Para maiba naman,” aniya sa presscon.
Ayon kay Bing, maganda ang pasok ng 2015 sa kanya. Unang project niya sa pagbalik niya sa Kapamilya Network ang “Wansapanataym: Yamashita’s Treasures” (WYT). “It’s nice to be back home with my family,” ani Bing.
Aniya pa, noon pa maraming offer na projects sa kanya ang ABS-CBN, hindi lang niya natanggap dahil may kontrata siya sa TV5 for three years. Nag-expire na ’yun, kaya nakabalik siya sa ABS-CBN.
First time ni Bing katrabaho sina Julia Montes at Coco Martin sa WYT, kaya sobrang tuwa siya na parehong magaling ang mga kasama niya. “It’s nice to work with them. Pareho silang may passion sa kanilang craft. Pareho silang seryoso at dedicated sa kanilang trabaho. “Nakakatuwa,” lahad ni Bing.
Hatid ng Dreamscape Entertainment Television, tampok din sa WYT sina Arron Villaflor, Eddie Garcia, Angel Aquino, Ryan Bang, Marlan Flores, Noni Buencamino at Alonzo Muhlach. Sa direksiyon ni Avel Sunpongco.