HIRAP pa ring maka-get over si Mariel Rodriguez sa pagkawala ng first baby nila ni Robin Padilla. Eight weeks pregnant si Mariel nang makunan siya, kaya depress-depressan ang misis ni Robin. Kung kailan pa napagdesisyunan nilang mag-asawang magka-baby na ay saka naman naudlot.
Nagpahayag ng suporta si Kylie Padilla sa kanyang papa Robin at tita Mariel at nag-post siya sa kanyang Instagram account ng: “To my beautiful and brave Tita Mariel and Papa, it may seem dark at the moment, but God’s grace will shine on. Each new life, no matter how brief, forever changes the world.”
Habang wala pang bagong teleserye si Kylie sa GMA, ang bagong hobby na car racing ang kanyang pinagkakaabalahan. Napapanood namin siya sa “Sunday All Stars.”
Musical director
Ang GMA Artist Center talent na si Mikoy Morales ang musical director ng “Lipad,” inspirational concert ng MINT Riffs, ang official glee club ng MINT College. Gaganapin ito sa Music Museum on March 26.
Two years ago, naging assistant musical director si Mikoy ng kanyang titser sa La Salle, Greenhills, kaya may kaalaman na siya sa pagdidirek. Naging miyembro rin siya ng La Salle Kundirana.
Huling napanood si Mikoy sa “More Than Words” kung saan gumanap siya bilang half-brother ni Janine Gutierrez. Nali-link si Mikoy kay Thea Tolentino na napapanood sa “The Half-Sisters”.
Excellence Award
Nagsimula na ang application para sa 2015 GMA Network Excellence Award nationwide search. Isa itong CSR program ng Kapuso Network na kumikilala sa mga mahuhusay na graduating students ng Mass Communication at Electronics and Communication Engineering at nagpamalas ng natatanging leadership, academic performance at social responsibility habang nasa kolehiyo.
Bukas ang competition para sa mga Filipino graduating students (2014-2015 school year) na may kursong Mass Communication, Multi-Media Arts, Advertising o katumbas ng kursong nakapokus sa komunikasyon at Electronics and Communication Engineering, nagtatapos na may Latin honors at naging aktibo sa extra-curricular activities.
Sa March 31 ang deadline. Para sa ibang detalye, mag-email kay Ms. Unis Loleng… [email protected] o mag-log on sa website, http://www.gmanetwok.com/excellenceaward.