“KAMBAL Sirena” ang huling teleserye ni Louise de los Reyes na pinagtambalan nila ni Aljur Abrenica. Ilang buwan na ang lumipas, pero pareho silang wala pang bagong project sa GMA7.
Si Aljur ay nagkaroon ng “gusot” sa GMA at pending pa sa korte ang inihain niyang reklamo laban sa Kapuso Network. Bagaman nakalabas na siya sa “Sunday All Stars,” wala pa rin siyang bagong teleserye dahil may mga bagay-bagay pang inaayos.
Si Louise naman ay abala sa pagwo-workshop. Napapanood din siya sa “Sunday All Stars.” Nami-miss na nga raw niya ang pag-arte. Gusto niyang makatrabahong muli si Alden Richards na nakasama niya sa “Alakdana,” “One True Love” at “Mundo Mo’y Akin.”
“Iba ’yung work namin together. May chemistry (laughs),” sambit ni Louise.
Aniya pa, gusto niyang mag-aral muli. Nakatapos na siya ng Foreign Service. Gusto naman niyang mag-aral ng Law sa San Beda College at gusto niyang maging corporate lawyer baling araw.
Louise claims loveless pa rin siya. Hindi naman daw siya nagmamadaling maghanap ng partner. Pero gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya at magkaanak kapag 29 years old na siya.
“For now, focused muna ako sa career, studies, pag-e-experience ng life nang buung-buo para marami akong maikukuwento sa mga magiging anak ko,” she said.
Nakakainis
Sa bawat bagong project ni Chanda Romero ay nire-reinvent niya ang kanyang sarili. Nag-iiba siya ng istilo sa pananamit, make-up at ayos ng buhok.
Sa “Pari Koy,” kapansin-pansin ang makapal na eye-liner ni Chanda sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata. Pati ang ayos ng buhok niya na parang may nakapatong na malaking siopao sa kanyang ulo ay agaw-pansin.
Ang lakas ng screen presence ni Chanda at kering-carry niya ang role bilang Martha. Parati niyang kinokontra si Father Kokoy (Dingdong Dantes) sa mga ginagawa nito bilang kura paroko ng Bgy. Pinagpala. Nakakainis ang karakter ni Chanda, subalit hindi matatawaran ang galing niya sa pag-atake