SI Jolina Magdangal ang nanalo sa ikatlong pagtatanghal niya sa “Your Face Sounds Familiar” ng ABS-CBN. Inimpersonate niya si Cher at pasadung-pasado sa judges na sina Sharon Cuneta, Jed Madela at Gary Valenciano ang kanyang act. Nagwagi si Jolina ng P100,000 at kalahati nito’y idinonate niya sa paborito niyang foundation, ang KITE Foundation na nag-aaruga sa mga batang may sakit na kanser.
Ani Jolens nang nakatsikahan namin sa pocket presscon ng PPL Entertainment, Inc. for her, dusa lang siya sa prosthetic make-up niya. Tatlong oras ang paglagay at pag-alis nu’n. Worth it naman dahil Top One siya sa co-artists na katunggali niya. Wish lang ni Jolina na mapasama siya sa Final Four na maglalaban sa finale ng YFSF na 13 weeks or one season tatagal.
Aniya, hindi naman sila nagkaka-personalan ng mga kalaban niyang performers. “Nagsabihan na kami na huwag magpapaapekto sa mga bilang ng botong nakukuha namin mula sa mga judge. Enjoy-enjoy lang kami at nagtutulungan.
Magkakaroon ng elimination and maybe, kapag Final Four na ang maglalaban, todo-effort na (laughs),” pahayag ni Jolina.
Sa next episode ng YFSF, magdu-duet naman sila ni Nyoy Volante ng kantang Aegis. “Excited ako dahil first time akong bibirit ng kanta,” sambit ni Jolina.
Ngayong Holy Week, nasa Batangas at Tagaytay siya kasama ang kanyang pamilya (asawang si Marc Escueta at anak nilang si Pele).
Takot ikumpara
Nasa Kalibo, Aklan ngayong Holy Week si Max Collins. ‘Andu’n ang pamilya niya. Dapat sana’y sa Hong Kong ang destination ni Max ngayong Holy Week. “Gusto kong dalawin ang pamilya ko, lola ko at mga kamag-anak sa Aklan, kaya doon na lang ako. Malapit ‘yun sa Boracay at gusto ko ring magpunta roon,” ani Max na talent din ng PPL Entertainment, Inc. Kahapon siya nagtungo sa Aklan at sa Easter Sunday ang balik ni Max sa Manila.
Balitang ire-remake ng GMA7 ang Mexican telenovela na “Marimar” na pinagbidahan ni Marian Rivera sa Pinoy version nito. We asked Max kung mag-a-audition ba siya para sa role. “Ayoko! Natatakot ako na baka i-compare ako kay Marian. Baka hindi ko maabot ang expectations ng mga nakapanood ng “Marimar” na pinagbidahan niya. Dream kong makagawa ng Mexican telenovela, pero ayoko ng “Marimar.” Natatakot ako.”