WE stand corrected. April 21 pala ang birthday ni Luis Manzano, hindi April 12 na naisulat namin. Nagkabaliktad lang ng numero. Napa-advance, kaya happy birthday, Luis!
Kapuso muli
Kapuso na muli si Ai-Ai de las Alas na pumirma na ng exclusive contract sa GMA Network. Apat na shows ang gagawin niya, isang daily talk show na sinasabing katapat diumano ng “Kris TV,” isang Sunday show na katapat ng “ASAP,” isang sitcom with Vic Sotto at isang soap opera.
Kung totoong itatapat ang daily talk show ni Ai-Ai sa daily morning program ni Kris, isyu na naman ’yun. Iisiping nagplastikan lang sila noong nagkita sila sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera last Dec. 30, 2014. Si Kris ang nag-effort makipagbati kay Ai-Ai at binigyan pa niya ito ng kuwintas (ba ’yun?) na may pendant ni Mama Mary bilang peace offering.
Magandang ideya naman ’yung pagsamahin sina Ai-Ai at Vic sa isang sitcom. Comedy King and Queen, bonggang kumbinasyon!
Mauuna sigurong gawin ni Ai-Ai ang soap operang “Let the Love Begin” na launching ng love team nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Kasama rin sa cast sina Gina Pareño, Ariel Rivera, Donita Rose at Gladys Reyes. Mula sa direksiyon ni Gina Alajar.
Mabuntis na kaya?
Hanggang third week pa ng April mag-i-stay sa New Zealand ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos kasama ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho. Doon sila nag-Holy Week at doon na rin nag-celebrate si Ryan ng kanyang 36th birthday last April 10.
Isinabay na rin ang advance celebration ng 6th wedding anniversary ng Agoncillo couple. April 28 sila ikinasal.
Panay ang post ni Ryan sa kanyang Instagram account ng pictures nilang mag-anak habang nasa New Zealand sila. Wish lang ng kanilang friends na mabuntis na si Judy Ann pagbalik nila sa Pilipinas. Kapag nagkataon, made in NZ ang baby nila.
Nakapag-advance taping si Ryan ng episodes ng “Ismol Family,” kaya napapanood pa rin siya sa naturang sitcom sa GMA.
Guest role
May guest role si Alden Richards sa “Pari Koy” at gumanap siya bilang batang Kokoy (Dingdong Dantes). Lumabas ang karakter niya noong Biyernes. Ipinakita ang ugali at buhay ni Kokoy bago siya pumasok sa seminaryo at maging ganap na pari.
Gumanap bilang mga magulang niya sina Spanky Manikan at Jackielou Blanco. Batang Hiro Peralta naman si Joshua Uy.
Samantala, saan na kaya mapupunta si Pinggoy ngayong ulila na siya? Paano siya matutulungan ni Father Kokoy, eh, bawal sa mga pari ang mag-ampon?