PAALIS bukas sina Mikael Daez at Andrea Torres papuntang Phnom Penh, Cambodia. Magsu-shoot sila roon ng TV mini- series, “Blood in Dispute” (BID) at 20 days silang mamamalagi roon. Sa May 7 ang balik nila sa Pilipinas.
First ever project ito ng GMA Network na co-produced with a foreign TV station, ang Cambodia Television Network (CTN). Kasama sa cast ng BID ang international actors na sina Khat Vaihang, Maes Thorn at Tep Rindaro. Canadian ang director nito na si Ken Simpson. Magsu-shoot din sila ng ilang eskena dito sa Pilipinas on May 18.
Magpo-promote na rin sina Mikael at Andrea sa Cambodia dahil ipapalabas din doon ang kanilang TV special later this year. Mauuna muna ang airing ng BID dito sa Pilipinas.
Twenty-fifth birthday ni Andrea on May 4 at sa Cambodia siya magse-celebrate. Aniya, sobrang saya niya at hindi pa rin siya makapaniwalang gagawa siya ng international TV mini-series.
Ipinalabas sa Cambodia last year ang “Sana’y Ikaw Na Nga,” teleserye nila ni Mikael sa GMA at nagustuhan ‘yun ng mga Cambodian. Nakipag-negotiate ang CTN sa GMA para magkasama silang mag-produce ng isang TV special, ito ngang “Blood in Dispute.”
“Feeling blessed ako. Overwhelmed, medyo kabado. Grateful sa pagkakataong ibinigay sa akin at gusto kong maging positive sa magiging pagtanggap sa TV special namin ni Mikael,” saad ni Andrea.
Ayaw pa rin umamin
Aksiyun-aksiyunan ang role ni Mikael Daez sa “Blood in Dispute” bilang isang Bokator fighter. Bokator ang traditional martial arts sa Cambodia na parang Muay Thai. Two-and-a-half weeks nag-training si Mikael ng Muay Thai bago siya umalis papuntang Cambodia.
“Unbelievable na nakilala at sumikat kami ni Andrea sa Cambodia dahil sa ‘Sana’y Ikaw Na Nga.’ Nagpunta kami roon last year at ang sarap ng feeling sa mainit na pagtanggap sa amin doon.
“Dito sa ‘Blood in Dispute,’ team effort kami. Enjoy lang sa work at sana, magustuhan at maging mainit din ang pagtanggap sa amin,” wika ni Mikael.
Expected na niyang itatanong sa kanya si Megan Young. Aniya, happy siyang Kapuso na muli ito.
Magkasama sila noong Holy Week sa Subic, Zambales. Ayaw pa ring diretsang umamin ni Mikael sa totoong estado ng kanilang relasyon. Ang pakiyeme niya’y itatanong niya muna kay Lord at ipagpe-pray niya. Chos!!!