WALA pang bagong project sa GMA7 si Janno Gibbs after “My BFF,” kaya busy-bisihan muna siya sa mga out-of-town shows para sa promotion ng bago niyang album, “Novela.” Compilation ito ng mga sinulat na kanta ni Janno na ginawang theme songs ng mga teleserye ng Kapuso Network. Co-produced niya ito with GMA Records at available na sa leading record outlets nationwide.
Kasama sa album ang “Mestizang Caviteña” na wedding gift ni Janno kina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Si Dingdong ang nag-record nito, ayon kay Janno. “Lalake Lang Ako” ang carrier single. Ilan sa mga Kapuso artists ang kumanta sa “Novela” album ay sina Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff, Julie Ann San Jose, Maricris Garcia, among others at ang dalawang anak ni Janno na sina Alyssa at Gabrielle.
“Mas masipag na ako ngayon. Mas inspired magtrabaho at nag-e-enjoy sa ginagawa ko,” sambit ni Janno. Aniya, na-depress siya noon dahil sa kanyang weight problem. Tumaba siya at nahiya siyang lumabas ng bahay. Tinamad magtrabaho. Kinausap siya ng kanyang daddy (Ronaldo Valdez) at sa suporta ng kanyang pamilya, nabalik ang self-confidence niya, pagtatapat ni Janno.
For the nth time, nilinaw niyang hindi sila hiwalay ni Bing Loyzaga. Okey sila. Inakala lang daw siguro ng ibang tao na hiwalay sila dahil nabili nila ‘yung katabing condominium unit.
‘Andun ang mga gamit niya at may kuwarto siya roon, ani Janno.
Kontrabida
Kontrabida role si Coney Reyes sa “Nathaniel,” pero aniya, not the usual bad character. Hindi raw siya basta-basta tumatanggap ng kontrabida role at gusto niya’y may redeeming value ang karakter niya.
Sa “Nathaniel,” ganid sa pera at sakim sa kapangyarihan ang karakter ni Coney. Puro pera at pagpapayaman ang nasa isip niya. Ayaw niya kay Shaina Magdayao na asawa ng anak niyang si Gerald Anderson.
In real life, kabaliktaran siya ng kanyang karakter sa “Nathaniel” dahil ani Coney, “Mabait akong biyenan sa asawa ng anak ko (Lawrence Anthony Mumar). Ang isa pa niyang anak sa yumao niyang asawang si Larry Mumar (dating basketbolista) ay Carla ang name. May isang anak si Coney kay Vic Sotto, si Vico na isang abogado na nagtatrabaho sa Public Attorneys Office (PAO).
Kinabahan
Ang kanyang mommy (Gloria Diaz) ang nagkumbinse kay Isabelle Daza na lumipat sa ABS-CBN. First teleserye niya sa Kapamilya Network ang “Nathaniel” na unang eksena niya with Gerald Anderson ay kissing scene agad. Kinabahan siya dahil hindi pa sila gaanong magkakilala.
Very supportive naman daw si Gerald pati ang ibang cast members ng “Nathaniel,” kaya sa mga sumunod na taping days ay narelaks na siya, ayon kay Isabelle. Sa Monday (April 20) ang pilot telecast ng “Nathaniel” sa ABS-CBN Primetime Bida.