INUNAHAN pa ni Kris Aquino si Erich Gonzales sa pagkumpirmang hiwalay na ito sa non-showbiz boyfriend niya. Four years nakarelasyon ni Erich ang non-showbiz guy na 10 years older sa kanya. Never ipinakita ni Erich ang itsura ng guy na ang palusot niya’y hindi naman ito taga-showbiz.
Pinangunahan din ni Kris na si Daniel Matsunaga ang bagong guy na nagpapasaya ngayon kay Erich. May mga post sa kanilang respective Instagram accounts sina Daniel at Erich ng pictures nila together.
Pati ang mommy ni Daniel, nag-post din sa IG nito ng picture nilang tatlo. Ang caption: “Another gift from God for my family. My youngest daughter@erichgg! Beautiful and loving. Thank you Lord Jesus!#my family life.”
Na-link noon si Daniel kay Kris, pero paulit-ulit ang pagsasabi ng Brazilian-Japanese model-actor (?) na friends lang sila. Madalas mag-guest sa “Kris TV” sina Daniel at Erich na si Kris pa ang naging matchmaker sa dalawa. Nagkasama rin sina Daniel at Erich sa “Two Wives,” pero hindi sila naging “item” hanggang natapos ang naturang teleserye ng ABS-CBN.
Dahil sa pasabog ni Kris Aquino sa “Aquino & Abunda Tonight,” nagkaroon ng iba’t ibang reactions. May mga natuwa at nagsabing bagay sina Daniel at Erich. May mga nanghinayang naman sa four-year relationship ni Erich at ng non-showbiz BF niya. Business partners din sila sa isang itinayo nilang restaurant.
Di matatanggap
Kahit tanggap na nina Robin at Rommel Padilla ang bagong katauhan ng kapatid nilang si BB Gandanghari, anila, hindi nila matatanggap na magka-boyfriend ito, o magpakasal. Sabi ni Robin, kung nawindang sila sa “pagkamatay” ni Rustom at nabuhay sa katauhan ni BB, baka doble o tripleng windang ang mangyari sa kanila kapag may ipinakilala itong boyfriend sa kanila.
Pero kung kaligayahan daw ni BB, huwag na huwag nang ipakilala sa kanila kung sinuman ang BF nito. Panibagong “shock” ito sa kanila at panibagong samaan ng loob. Kapag nakikita nga raw nila ang itsura ngayon ni BB ay nasa-shock pa rin sila.
Ani Robin, sa sitcom lang nila, “2½ Daddies” papayagan nilang magka-boyfriend ang karakter ni BB bilang Eva. Noong season one nito, gusto ni BB na meron siyang love interest. Kinontra lang nila ni Rommel, sabi ni Robin.
Simula ngayong Sabado ng second season ng “2½ Daddies” at ideya raw ni BB na silang tatlo (Rommel, Robin at BB) ay magkaroon ng love interests. Abangan na lang kung sinu-sino ang magiging love of their lives. Tutok lang tuwing Sabado at 8 p.m. sa TV5.
Lilipat na?
Kausap lang namin si Janno Gibbs noong press launch ng bago niyang album, “Novela,” under GMA Records at nagpasalamat pa siya kay Ogie Alcasid. Joke ni Janno, nang umalis si Ogie sa GMA7 at lumipat sa TV5 ay sumikat siya. Aniya, nabigyan siya ng pagkakataong sumulat ng lyrics ng mga kantang ginawang theme songs ng mga GMA teleserye.
Compilation nga ng mga ito ang “Novela” album ni Janno na co-produced niya with GMA Records. Wala kaming kahina-hinagap na iiwan din pala ni Janno ang Kapuso Network at susundan si Ogie sa TV5. Last appearance na raw ni Janno sa “Sunday All Stars” noong nakaraang Linggo (April 19).
How true na si Ms. Wilma Galvante (Chief Entertainment Content Officer ng TV5) ang interesadong kunin si Janno para maging bagong Kapatid talent? Diumano, ayon pa rin sa tsika, ay may inilalatag nang project na pagsasamahan nina Ogie at Janno.