KABOG ni Ai-Ai de las Alas ang co-stars niya sa “Let the Love Begin” noong press launch nito. Talagang kinarir niya ang gold outfit niya na parang may kapa na kulay pula with over-sized gold headdress. Sa bigat nito ay muntik na siyang madapa noong rumampa siya sa stage. Para siyang sagala sa santakrusan, pero carry naman ni Ai-Ai. Ikaw na talaga!
The Philippine Comedy Queen ang pakilala sa kanya ng GMA Network at halata ang importansiyang ibinibigay ng network kay Ai-Ai sa pagbalik-Kapuso niya. Naging emotional nga si Ai-Ai na aniya, sa edad niya ngayon (she’s 50 years old), hindi niya akalaing mabibigyan pa siya ng importansiya. Aniya pa, wala na siyang dapat patunayan pa sa pagbalik niya sa GMA.
Isang DJ ang role ni Ai-Ai sa “Let the Love Begin.” Siya si Jeni a.k.a. DJ Bebe-Yonce. Assumera itong may gusto sa kanya ang kaibigan at co-DJ niyang si Gardo Versoza (as Tony). Ani Ai-Ai, hindi naman siya nanibago sa pakikipagtrabaho sa mga kasama niya sa LTLB. Masaya ang ambience sa set.
Pinasaya ni Ai-Ai ang mga dumalo noong presscon ng LTLB. Nagpa-raffle siya ng cash prizes bilang pabuenas sa kanilang primetime series na magsisimula on May 4 pagkatapos ng “Pari Koy ” sa GMA Telebabad.
May pinagdaraanan
Naging honest naman si Donita Rose sa pag-aming may pinagdaraanang pagsubok sa relasyon nila ng asawang si Eric Villarama. Tinanong kasi namin siya sa presscon ng “Let the Love Begin” tungkol sa isyung diumano’y hiwalay na sila. Ani Donita, sinusubukan nilang maayos kung anuman ang mga hindi nila pagkakaunawaan.
For good na ba ang pag-stay niya sa Pilipinas? “Baka. Hindi ko pa masabi,” saad ni Donita. Nasa kanya ang 10-year-old son nila ni Eric na si JP. Nasa US (o Singapore ba?) ang husband niya.
First time na gaganap na kontrabida si Donita sa LTLB at aniya, big challenge ito sa kanya. Siya si Celeste, second wife ni Tony (Gardo Versoza).
Total package
Hindi lang Total Performer, Total Package pa ang image ngayon ni Rita Daniela. Aniya, kaya niyang gawin lahat. Kaya niyang umarte, sumayaw at kumanta. Winner siya sa “Popstar Kids.”
This Sunday, ilo-launch ang self-titled debut album ni Rita sa “Sunday All Stars.” Anim na kanta ang nakapaloob sa album na “I’m Flying High,” ang carrier single.
Nakaplano na rin ang gagawing concert ni Rita. Focused lang muna siya sa promotion ng kanyang album under GMA Records. Nasa cast din siya ng “Let the Love Begin” where she plays Luchie, antipatikang pamangkin ni Celeste (Donita Rose). Ani Rita, hindi isyu sa kanya kung nata-typecast siya sa kontrabida role. “Trabaho lang ’yun. Nakaka-challenge nga dahil napaglalaruan ko ang karakter sa bawat project na ipinagkakatiwala sa akin,” lahad ni Rita.