HINDI pala kasal si Tina Paner sa ama ng kanyang 12-year-old daughter na si Shane. Half-Filipino, half-Spanish ito at nakilala ni Tina sa pamamagitan ng blind date. Isinet-up sila ng isang friend niyang pinsan ng kanyang ex-partner. Nagka-in love-an sila hanggang nabuntis si Tina.
Nanganak siya sa Barcelona, Spain. Three years old pa lang ang anak niya’y naghiwalay na sila ng ama nito. Mula 2000 hanggang 2011 sila nanirahan sa Spain. Bumalik si Tina sa Pilipinas with her daughter in 2013.
Pabalik-balik naman sa Spain at Pilipinas ang kanyang ex-partner at paminsan-minsa’y may communication ito and her daughter.
Six years na siyang single mom, ayon kay Tina. No comment siya when asked kung may financial support ang daddy ng kanyang anak. May work naman daw siya at napag-aaral niya sa OB Montessori ang anak niya.
Kasama si Tina sa “Healing Hearts” na mapapanood simula sa May 11 pagkatapos ng “Yagit” sa GMA Afternoon Prime.
Debut album
Collaboration ni Glaiza de Castro and her showbiz friends na sina Chynna Ortaleza, Angelica Panganiban, Alessandra de Rossi at Benjamin Alves ang kanyang self-produced debut album titled “Synthesis.” Si Benjamin ang nakaisip ng title.
Magaan sa pakiramdam, pampa-relax ang walong kantang nakapaloob sa album. Ang carrier single ay “Dusk Till Dawn.”
Si Angelica ang sumulat ng lyrics ng “Barcelona” at “Waiting Shed.” Si Chynna ang gumawa ng artwork sa tatlong post cards na nakapaloob sa CD album ni Glaiza. Naggitara naman si Alessandra sa kantang “Memo.”
Ayon kay Glaiza, noong una’y hesitant siyang pagpatuloy ang recording ng kanyang album. “Na-realize ko, gusto ko talagang magka-album kahit noong hindi pa ako artista. At saka, na-excite ako sa idea na ipaalam sa mga tao ang ibang talent nina Angelica, Alessandra at Chynna,” sambit ni Glaiza. Aniya pa, answered prayer ang makumpleto at matapos ang kanyang album.
Battle for Greatness
Ngayong Linggo na (May 3) ang pinakaaabangang boxing bout nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, USA. May coverage nito ang ABS-CBN, GMA at TV5. Patutugtugin ang kanta ni Pacman na “Lalaban Ako Para sa Pilipino” pagtungtong niya sa ring.
“Laban Para sa Pilipino #Go Manny!” ang campaign ng GMA bilang suporta kay Pacman. May blow by blow coverage sa Super Radyo DZBB, Brgy. LS, RGMA stations nationwide at delayed telecast sa GMA7. Kasunod nito ang pelikulang “My Big Bossing” napinagbidahan nina Vic Sotto, Marian Rivera at Ryzza Mae Dizon.
May “Tres de Mayo Biggest Live Viewing Party” naman ang TV5 simultaneously sa key cities nationwide. Bumili lang ng ticket ang boxing fans via Ticketnet para makapanood. Gaganapin ito sa Philippine Arena, Smart Araneta Coliseum, Blue Eagle gym, Cebu Coliseum, USEO-Davao, Pearl of the Pacific (Boracay Station 1), Uptown Boracay (Boracay Station 2). From 10 a.m. to 3 p.m. ang airing ng TV5. May pre-fight special at 9 a.m. at post-fight special at 10 p.m.