NAUDLOT ang pakikipagtrabaho ni Luis Alandy kay Marian Rivera sa “The Richman’s Daughter.” Nabuntis ang Kapuso Primetime Queen sa first baby nila ni Dingdong Dantes, kaya nag-withdraw ito sa TRMD. First time sana makakatrabaho ni Luis si Marian at sobrang excited siya.
Ayon kay Luis, natakot at kinabahan siya noong nalaman niyang hindi na gagawin ni Marian ang TRMD. “Inisip ko, baka hindi na ituloy ng GMA ang project. Pero naintindihan ko naman si Marian and I’m happy for her. Natupad ang pangarap niyang maging isang ina at makabuo ng isang pamilya,” pahayag ni Luis.
Dagdag pa ng actor, lalong tumaas ang respeto niya kay Marian dahil sa pagiging selfless nito. Ito na lang ang umalis sa TRMD at gusto niyang ipagpatuloy nila (Luis and co-stars) ang show.
Si Rhian Ramos ang ipinalit kay Marian. First time ni Luis katrabaho si Rhian.
Mapapanood ang tomboy serye simula May 11.
Young entrepreneur
Entrepreneurship ang course ni Kristoffer Martin sa San Beda College at nagagamit na niya ang mga natututunan niya sa itinayo niyang clothing business. Kasosyo niya ang ilang kaibigang estudyante rin ng SBC. Si Kristoffer ang marketing head.
Last year pa sila nagsimula at doing good ang kanilang business, ayon kay Kristoffer. Sariling designs nila ang sweatshirts at T-shirts na ipinagbibili nila sa mga estudyante ng SBC. Plano nilang magbenta rin sa ibang schools.
Invitational ang kanilang marketing style at mass production sila, ani Kristoffer. Kinukuha rin silang sponsor sa mga school events.
Naging masinop na raw siya ngayon sa pera, lalo na sa pinaghirapan niya. “Gusto kong maging good example sa mga kabataan, na hindi porke bata ka pa’y limitado lang ang ginagawa mo,” lahad ni Kristoffer na mapapanood sa “Healing Hearts” simula May 11 sa GMA Afternoon Prime.
Balik-tambalan sila ng ex-girlfriend niyang si Joyce Ching.